Lee and Ted approached the two friends.
リーとテッドが、友人二人に近づいて来ました。
Lee : Beth, Susy, kumusta kayo?
リー : ベス、スージー、ご機嫌いかが?
Beth at Susy : Mabuti naman, salamat.
ベスとスージー : 元気よ、ありがとう。
Lee : Susy, hindi ko pa naipakilala sa iyo si Ted. Ito si Ted, ang kapatid kong panganay.
リー : スージー、まだあなたにテッドを紹介してなかったわね。こちらが長兄のテッドです。
Susy : Kumusta ka, Ted?
スージー : テッドさん、ご機嫌いかがですか?
Ted : Mabuti naman. Sa wakas, nagkita rin tayo. Madalas kang maikuwento sa akin ni Lee.
テッド : 元気です。やっとお会いできましたね。あなたの事はリーからしばしば聞いております。
Susy : Madalas ka ring maikuwento ni Lee sa akin, kaya parang kilala na kita.
スージー : あなたの事もリーからしばしば聞いているわ、だから、もうあなたと知り合いみたいな気持ちです。
Ted : Ganoon din ako. Si Beth ay madalas magpasyal sa bahay, kaya matagal na kaming magkakilala.
テッド : 僕も同じ気持ちですよ。ベスはよく家に遊びに来るから、ずいぶん前からの知り合いです。
Lee : Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Magpalamig muna tayong lahat.
リー : この機会を無駄にしないように、皆で冷たい物でも飲みに行きましょうよ。
Ted : Tama si Lee. Halina kayo. Sagot ko ang meryendang ito.
テッド : そうだね、リー。さあ行こう。この間食は僕がおごるよ。