Mother was encouraging June to eat fruits and vegetables.
お母さんがジュンに果物と野菜を食べることを奨励しています。
Nanay : Kumain ka ng prutas at gulay, Anak.
母 : ボク、果物と野菜を食べなさい。
June : Mas masarap ang candi, sorbetes, cake, at tsokolate, Nanay.
ジュン : お母さん、キャンディーやアイスクリームやケーキやチョコレートのほうがもっと美味しいんだもん。
Nanay : Kung pulos matatamis ang kakainin mo, masisira ang mga ngipin mo.
母 : 甘いものばっかり食べてると、虫歯になるわよ。
June : Hindi masarap ang prutas, Nanay.
ジュン : だってお母さん、果物は美味しくないんだもん。
Nanay : Masarap. Matatamis ang mga hinog na prutas. May mga prutas na maasim pag hindi pa hinog masarap din isawsaw sa asin. Huwag kang kakain ng bubot na prutas dahil kung hindi mapait, mapakla.
母 : 美味しいわよ。熟した果物は甘いわよ。熟していないと酸っぱいこともあるけど、塩をつけると美味しいわ。でも、若くて未熟な果物は食べちゃダメよ。苦くはないけど渋いからね。
June : Prutas na lang ang kakainin ko, huwag nang gulay.
ジュン : じゃあ果物だけは食べるよ。でも、野菜はいやだな。
Nanay : Mainam sa katawan at kailangan ng katawan ang gulay. Nagluto ako ng gulay na repolyo, bitswelas, kalabasa, at ampalaya.
母 : 野菜は体に良いし、体に必要なのよ。キャベツとインゲン豆とカボチャと苦瓜を料理したわよ。
June : Nanay, mapait ang ampalaya.
ジュン : お母さん、苦瓜は苦いんだよ。
Nanay : Hindi mo malalasahan ang pait ng ampalaya. Iginisa ko sa bawan, sibuyas, hipon, at baboy ang mga gulay.
母 : 苦瓜の苦さは味わえないわよ。ニンニクと玉ねぎとエビと豚肉で野菜を炒めたんだから。
June : Talaga po bang dapat akong kumain ng gulay?
ジュン : 本当に野菜を食べなければならないんですか?
Nanay : Oo. Matamis-tamis ang lasa ng mga murang gulay. Hindi ako nagluluto ng magulang na gulay.
母 : もちろんよ。若い野菜の味はとても甘いのよ。古い野菜は料理してないのよ。
June : Nagustuhan ko kaya ang gulay, Nanay?
ジュン : ねえ、お母さん、ボクは野菜を好きになれるかなぁ?
Nanay : Palagay ko'y magugustuhan mo.
母 : 好きになれると思うわよ。
June : Anong prutas ang binili ninyo?
ジュン : 何の果物を買ったの?
Nanay : Saging, melon, at pakwan. Mamimili ka ng gusto mong kainin.
母 : バナナとメロンとスイカよ。貴方の食べたいものを買いなさい。
June : Gusto ko'y lansones, mansanas, ubas at kahel.
ジュン : ランソネスとリンゴとブドウとマンダリンオレンジが欲しいな。
Nanay : June, sasakit ang tiyan mo kung sabay-sabay mong kakainin ang lahat na prutas na 'yan.
母 : ジュンったら、その果物を全部一緒に食べたらお腹が痛くなるわよ。
June : Nagbibiro lang ho ako. Kumain na tayo, Nanay.
ジュン : 冗談ですよ。さあ、お母さん、食べようよ。
Nanay : Mabuti!
母 : よかったわ!