Mother was asking Marilou to buy something for her.
母親はマリロウに自分のための買い物を頼んでいました。
Nanay : Bumili ka ng isang kilong baboy at dalawang kilong baka sa palengke.
母親 : 市場で豚肉1キロと牛肉2キロを買ってきて。
Marilou : Opo, Nanay.
マリロウ : はい、わかりました、おかあさん。
Nanay : Pagkatapos, dumaan ka sa groseri. Bumili ka ng sopas sa lata, arina, at mantika.
母親 : それから、食品雑貨店に寄ってね。スープ缶と小麦粉と油を買ってちょうだい。
Marilou : Nanay, bibili ako ng panregalo sa kaarawan ni Ruth sa department store. Unahin ko munang bumili ng panregalo.
マリロウ : おかあさん、デパートでルスの誕生日プレゼントを買います。先ずプレゼントを先に買いますね。
Nanay : Siya, sige. Pero huwag kang magtagal. Magluluto ako at pagkatapos, iiwan muna kita rito sa bahay.
母親 : そう、いいわ。でも遅くならないでね。私は料理をして、それから貴方に留守番をしてもらうからね。
Marilou : Saan kayo pupunta?
マリロウ : どこに行くの?
Nanay : Sa punerarya. Ililibing ang ama ng kaibigan ko. Makikipaglibing ako.
母親 : 葬儀場よ。友人の父親の葬式なの。葬儀に参列するのよ。
Marilou : Saan ang libing, Nanay?
マリロウ : お母さん、埋葬はどこでなの?
Nanay : Sa North Cementery.
母親 : ノース霊園でよ。
Marilou : Idadaan pa ba ang libing sa simbahan?
マリロウ : 葬列は教会によるのですか?
Nanay : Oo. Kaya lumakad ka na agad. Pag nakita mo si Ruben sa palaruan, pauwiin mo na.
母親 : そうよ。だから早く行きなさい。公園でルベンに会ったら、家に帰らせてね。
Marilou : Oho.
マリロウ : わかりました。