The school guidance councelor was talking to Delfin.
学校の進路指導員がデルフィンと話していました。
Tagapayo : Ano, Delfin, naisip mo na ba kung anong kurso ang kukunin mo?
指導員 : えーと、デルフィン、何のコースを取得するのかをもう考えていますか?
Delfin : Marami akong ambisyon sa buhay. Gusto kong maging piloto. Gusto ko rin maging isang reporter, manunulat, inhinyero, at matagumpay na negosyante kaparis ng tatay ko.
デルフィン : 僕は人生の野望をたくさん持っています。パイロットになりたいです。レポーターにも、記者にも、エンジニアにも、父と同じように成功を収めたビジネスマンにもなりたいです。
Tagapayo : Mabuti ang maging ambisyoso, Delfin. Pero pumili ka ng isang kurso. Hindi maaaring sabay-sabay mong kukunin ang maraming kurso.
指導員 : デルフィン、野心家になることはいいことよ。でも一つのコースを選びなさい。たくさんのコースをいっぺんに選ぶことは出来ないのよ。
Delfin : Iyan din ang sabi ng tatay ko. Alam ninyo, isa siyang akawntant. Nagtapos siya ng komersiyo. Limang taon siyang akawntant sa isang kompanya. Pagkatapos, nagtayo siya ng sariling negosyo. Matatag na ang negosyo niya ngayon. Pero nag-aaral pa rin ang tatay ko. Kumukuha siya ng abugasya. Ibig niyang maging abogado muna, bago maging piskal, at kung posible ay maging hukom.
デルフィン : 僕の父が言っていたのもそれと同じです。知っていますか?彼は会計士なんです。彼は商業科をでています。彼は5年間ある会社の会計士でした。それから、彼は自分で商売を起こしました。彼の商売は今ではもう確固としたものになりました。でも、父は今でも勉強をしています。彼は法律を専攻しています。彼は検察官になる前に、先ず弁護士になり、そして、もし出来るなら裁判官になりたいのです。
Tagapayo : Ano ba ang propesyon ang pinakagusto mo?
指導員 : あなたが最も好きな職業は何ですか?
Delfin : Gusto ko maging akawntant para maging matagumpay na negosyante ako.
デルフィン : 私は成功したビジネスマンになるために、会計士になりたいです。
Tagapayo : Komersiyo muna ang kunin mo.
指導員 : まず、あなたが取るのは、商業コースね。