Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda
ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral
Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda
ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral
Ukol sa LUNTIAN:
Ang Luntian ay inilalathala ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. nang apat na beses bawat taon (quarterly). Ito ay nagtatampok ng mga akdang pampanitikan ng mga guro at mag-aaral sa gradwadong antas.
Ito ay itinatag at inilunsad noong ika-28 ng Agosto 2020 sa pangunguna nina Dr. Ernesto V. Carandang II at Dr. David Michael San Juan. Si Dr. Ernesto V. Carandang II ang Punong Patnugot at si Dr. David Michael San Juan ang Katuwang na Patnugot. Nagsilbing tagapayong panteknikal si Dr. Rhoderick Nuncio hanggang ikalimang isyu. Buhat noong ikalawang isyu ng jornal ay naging kabahagi si Dr. John Iremil Teodoro bilang Tagapamahalang Patnugot hanggang sa ikapitong isyu at naging bahaging muli ng Lupon ng mga Rebyuwer sa mga susunod na isyu. Samantalang noong ikapitong isyu ay nakasama na si G. Christopher Bryan Concha bilang Tagapamahalang Patnugot.
Naging kabahagi naman si G. Gerome Nicolas Dela Pena bilang ikalawang Tagapangasiwang Patnugot at si G. Mark Angeles bilang Katuwang na Patnugot mula noong Ikalabing-isang Isyu ng Luntian.
Ang mga bumubuo ng rebyuwer ng Luntian ay ang sumusunod:
Dr. Aurora Batnag (PSSLF)
Dr. Ronald Baytan (DLSU)
Dr. Emmanuel Gonzales (FEU)
Dr. John Iremil Teodoro (DLSU)
Dr. Jose Victor Torres (DLSU)
Bb. Beverly Wico Siy (CCP, Intertextual Division)
Bb. Dulce Deriada (UP, Visayas)
LUNTIAN FB Page: https://www.facebook.com/luntianjournal
PSLLF FB Page: https://www.facebook.com/PSLLF
PSLLF Website: https://www.psllf.org
Abangan ang Panawagan para sa Luntian Isyu 13:
Ang Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral ay tumatanggap ng mga malikhaing akda gaya ng tula, maikling kuwento o dagli, sanaysay (malikhaing di-katha), at mga guhit o larawan (digital HD format) na may kaakibat na teksto.
Maaaring magpasa ng 1-3 tula na may habang ‘di lalampas sa dalawang pahina ang bawat tula, 1 maikling kuwento na may 1-5 pahina na may laktaw ang bawat talata o 1-2 dagling ’di lalampas sa 1 pahina, at sanaysay na may 2-5 pahina na may laktaw ang bawat talata. Nasa sukat ng short bondpaper ang bawat pahina, 12pts., Arial o Times New Roman.
Hindi pa dapat nailalathala ang isusumiteng akda sa anomang publikasyon. Hindi rin tatanggapin ang mga akdang ipinasa sa ibang panawagan. Ang bawat ipapasang lahok sa Luntian ay sasailalim sa proseso ng double blind review o proseso ng refereeing.
Dalawang file ang kailangang ipasa. Ang unang file ay akda na may pamagat ngunit walang pangalan at anumang pagkakakilanlan ng may-akda; ang ikalawang file ay sariling kuhang larawan o guhit/illustrasyon na may kaugnayan sa akdang ipapasa. Halimbawa, kung ang tula ay patungkol sa kapayapaan, maaaring magsumite ng larawan o guhit ng kalapati. Kinakailangang sariling kuha o guhit ito ng awtor at High Definition ang resolution. Isang larawan ang kailangan sa bawat akdang isusumite.
Ang huling araw ng pagsusumite ay sa Agosto 7, 2025.