Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Rene Boy S. Abiva
Si Rene Boy Abiva ay nahuhumaling sa gamgamling (anting-anting). Awtor siya ng pitong libro ng mga malikhaing akda, aktibong kasapi ng GUMIL-Filipinas, at opisyal ng Samahang Lazaro Francisco at Knights of Rizal (1911) – Cabanatuan City Chapter. Naniniwala siyang hindi mababalam ang paghuhukom.
John Kyle L. Adamos
Si John Kyle L. Adamos ay nagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Philippine Normal University para sa kaniyang Masterado na Edukasyong Pangwika sa Filipino. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino 11 sa Sto. Nino National High School, Sangay ng Marikina.
Genevieve S. Aguinaldo
Si Genevieve Soriano Aguinaldo ay nanay sa apat na anak. Kasalukuyan siyang kabilang sa programang MA Language and Literacy Education ng UP Open University. Lumabas ang kanyang mga akda sa {m}aganda magazine, Sunday Times, The Fib Review, at Shot Glass Journal.
Agatha Faye S. Buensalida
Naninirahan sa Santa Maria, Bulacan, si Agatha Buensalida ay isa sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging writing fellow siya sa LIRA Poetry Clinic, UST National Writers Workshop, Cavite Young Writers Online Workshop, Akdaan 2023, at 22nd IYAS National Writers Workshop. Mababasa ang kanyang mga tula sa Lila: Mga Tula, sa unang isyu ng TLDTD, sa UBOD 2020, sa LUGAW NI LENI, PINK PAROL, KKK, KAKAMPINK, ATBP., at sa Lila: Ikalawang Aklat ng mga Tula. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Master of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University – Manila.
Eldrin Jan D. Cabilin
Si Eldrin Jan D. Cabilin ay nagtapos ng MA Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya na ginawaran ng pinakamahusay na tesis sa ilalim ng programa ng Departamento ng Filipino sa De La Salle University. Kasalukuyan siyang lektyurer sa Far Eastern University at pambansang tagapagsanay ng mga SHS na guro para sa kursong Understanding Culture, Society & Politics. Interes niya ang mga pag-aaral tungkol sa kultura, espasyo at kasarian.
Mic Camba
Si Mic Camba ay kasalukuyang guro ng Filipino sa University of Asia and the Pacific. Ang koleksiyon ng haiku ay pagtatala sa kaniyang naging biyahe sa Japan.
Loi Vincent C. Deriada
Si Loi Vincent C. Deriada ay isang guro ng wika at panitikan sa MSU – Iligan Institute of Technology. Hugot na pagtuo niyang susi ang panulat sa lipunang nais maging mulat. Laman ng kanyang mga likha ang mga danas, Tatak Iliganon, bilang pag-angat ng mga rehiyonal at lokal na panitikan partikular sa Lungsod ng Iligan.
U Z. Eliserio
Si U Z. Eliserio ay nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa College of Arts and Letters ng UP Diliman. Pinakabago niyang monograph ang Libreng Pagkain, Libreng Tirahan, Libreng Medisina, Libreng Edukasyon. Maaari siyang bisitahin sa ueliserio.com.
Rommel V. Espejo
Nagtapos ng kursong Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipinas (Wika, Kultura, Midya), De La Salle University, Manila. Kasalukuyang Direktor ng Institute of Linguistics and Literature, Nueva Ecija University of Science and Technology. Fellow ng PLUMA Writer’s Workshop.
Faye Fuentes
Si Faye N. Fuentes ay kasalukuyang guro sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas sa Miagao, Iloilo. Nakapagtapos siya ng Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya sa Pamantasang De La Salle, Maynila.
Genaro R. Gojo Cruz
Si Genaro R. Gojo Cruz ay awtor ng mahigit sa 100 aklat-pambata. Ang kaniyang mga tula at kuwentong pambata ay pinarangalan ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Literature Deparment ng De La Salle University.
Daniel A. De Guzman
Si Daniel A. De Guzman ay nagtapos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong 2014. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng asignaturang Filipino sa baitang sampu sa Bignay National High School sa Valenzuela. Nakatira sa Valenzuela kapiling ang asawang si Nancy at unang anak na si Noah Dylan.
John Alvin P. De Guzman
Si John Alvin Pascua de Guzman ay isang guro sa Filipino sa Santa Rosa Integrated School, Santa Rosa, Nueva Ecija. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kaniyang gradwadong pag-aaral sa Philippine Normal University sa kursong Master ng Sining sa Edukasyong Pangwika sa Filipino.
Louise A. de Guzman
Si Louise A. de Guzman ay nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in General Science sa Pamantasang Normal ng Pilipinas sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Langkaan II National High School sa lungsod ng Dasmariñas. Hilig niyang magbasa ng mga libro, sumulat ng mga kwento at tula, gumala sa iba’t ibang probinsya, kumuha ng mga larawan at mag-alaga ng pusa.
Ez Khan, dps
Malikhaing awtor ng literature & law sa pambata at young adults si Adíng Kiko, dps. Nakapaglimbag ng higit tatlumpong aklat-pampanitikan, ang kaniyang mangá akdâ sa Filipino ay ginagamitan niya ng mangá sagisag-panulat. Si Kiko ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, tagasalin, iskolar, historyador, teorista, teolohista, pilosopo, kritiko, mananaysay, mandudulâ, mangangathâ, manunulâ, photographer, ilustrador, at rebyuwer. Nag-aral siya ng malikhaing pagsusulat sa Ateneo De Manila University, at nang lumaon, sa University of Oxford. Kasalukuyan niyang itinutuloy ang kaniyang myth gamit ang teknik na pabula, eco-humanities bílang janra, at sub-janrang forestry—plants & trees. Dagdag pa, naimbitahan siya sa isang oral presentation ng Reading The Regions ng NCCA National Committee on Literary Arts (NCLA).
Christian Dave C. Loren
Si Christian Dave C. Loren ay nagtuturo sa Eastern Samar National Comprehensive High School. Nagtapos siyang magna cum laude sa kursong Bachelor in Secondary Education major in English sa Eastern Samar State University – Borongan. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Masters of Arts in Education major in English Language Teaching sa parehong unibersidad.
Christine Marie Lim Magpile
Nagtapos si Christine Marie Lim Magpile ng Bachelor of Science in Secondary Education – History Major (Cum Laude) sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kasalukuyan siyang kumukuha ng MA Araling Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Naging fellow siya ng Linangan, Imahen, Retorika, at Anyo (2007 at 2023), UST National Writers Workshop (2008), Angono Writers’ Summer Workshop (2018), La Salle Young Screenwriters Workshop (2023), at La Salle Kritika National Workshop on Arts and Cultural Criticism (2019).
Dominique Mae Malaya
Si Mae Malaya ay nagtapos ng AB Behavioral Science sa University of Santo Tomas at kasalukuyang gradwadong mag-aaral ng MA Comparative Literature sa University of the Philippines – Diliman. Siya ay nagtatrabaho bilang Content Writer. Nananatili siyang buhay sa piling ng panitikan, pelikula, at bayan.
Renz D. Mendoza
Si Renz D. Mendoza ay kasalukuyang nagtuturo sa isang Catholic private school sa Rizal. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Secondary Education major in English at kasalukuyang kumukuha ng kursong Master of Arts in Literature sa Philippine Normal University.
Janeson M. Miranda
Guro ng Departamento ng Humanidades at Agham Panlipunan ng De La Salle University Integrated School Senior High School si G. Janeson M. Miranda. Tubo siya ng Bicol at kasalukuyang sinasaliksik at hinahagilap niya ang totoong kahulugan ng pag-ibig, pag-asa, at pagiging tao .
Francisco A. Monteseña
Ang manunulat ay si Francisco A. Monteseña na isang guro sa kolehiyo. Ipinanganak sa Majayjay, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Angono, Rizal. Ang kaniyang mga akda ay may pamagat na Ang Mga Hindi Sinasabi at iba pang mga Tula.
Robert John P. Pastera
Si Robert John P. Pastera ay nakapagtapos ng Master of Arts sa Ingles bilang Pangalawang Wika sa De La Salle University – Dasmariñas. Sa kasalukuyan, siya ay miyembro ng Departamento ng Wika at Panitikan sa Far Eastern University – Manila. Mahilig magsulat si Pastera ng mga kwentong tumutugon sa kumplikadong pag-iisip ng mga mamamayang may kakaibang perspektibo sa kanilang realidad.
Juan Miguel Leandro L. Quizon
Si Juan Miguel Leandro L. Quizon ay isang pianista, guro, manlalaro, at mananaliksik ng kultura at espasyo. Kung hindi siya nagtuturo, siya ay kadalasang nasa liblib na isla o abalang siyudad, habang sumusubok ng mga bagong pagkain. Tinatapos niya ang kaniyang PhD in Literature sa Pamantasang De La Salle, kung saan din siya nagtuturo sa ilalim ng Kagawaran ng Panitikan.
Arturo A. Roda Jr.
Si Arturo A. Roda Jr. ay nagtapos ng programang Based Major in Filipino sa The National Teachers College at kasalukuyang tinatapos ang kanyang tesis sa programang MAEd EDM. Kasalukuyang nagtuturo sa pampublikong paaralang kabilang sa DepEd Manila. Siya ngayon ay busy sa pagsusulat ng action research at paghahanap ng kaligayahan sa buhay.
Denmark B. Soco
Si Denmark B. Soco ay mag-aaral ng gradwadong kursong MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Siya rin ay isang guro at kasalukuyang nagtuturo sa Senior High School at Kolehiyo sa Manila Tytana Colleges. Naging fellow rin siya sa ilang mga writing workshop at kailan lang ay natanggap ang kanyang sanaysay sa Palihang Rogelio Sicat 16.
Michael Andio T. Suan
Si Michael Andio T. Suan ay kasalukuyang nagsisilbing guro sa Filipino sa Asia Pacific College – Senior High School. Nagtapos siya ng kaniyang degree sa Sekondaryang Edukasyon, medyor sa Filipino sa Rizal Technological University, Kampus ng Boni at nagkamit ng karangalang Magna Cum Laude. Siya ay isang mananaliksik at manunulat ng iba’t ibang likhang pampanitikan. Napasama na rin ang ilang mga likha niya sa iba’t ibang publikasyong pangliterari – ang isa sa mga akda niya na may pamagat na “Isla ng Pagtatama” ay nailathala sa ika-41 na Tomo ng Ani Journal ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
Ronnel V. Talusan
Isinulat niya ang mga akdang “Lunod” at “Pulupot”. Guro sa Far Eastern University, si Ronnel V. Talusan ay taal na taga-San Rafael, Bulacan.
Jame A. Valenia
Si Jame A. Valenia ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education major in Filipino at Master of Arts in Languange Teaching in Filipino sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Matalam High School sa Sangay ng Cotabato. Naging kontribyutor siya ng mga dagli sa Takós – An Anthology of Gendered Refereed Literary Genres ng Nueva Ecija University of Science and Technology at maikling kuwento sa Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda tulad ng Mga Tiktik sa Kaadlawon at Si Kokak at Ang Uod.