Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Jun Yang Badie
Si Jun Yang Badie ay isang Blaan, Lumad ng South Cotabato na nagtapos ng kaniyang Doktor ng Pilosopiya sa Araling Filipino (Wika, Kultura, at Midya) sa De La Salle University-Maynila kung saan nakapagsilbi siya bilang pangulo ng Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM-GS). Isa siya sa Top 3 Finalist sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2023 - Pinakamahusay na Disertasyon ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Siya ay kasalukuyang direktor ng Quality Assurance, Admissions, Promotions, at Scholarships ng Notre Dame of Marbel University sa Lungsod Koronadal, South Cotabato.
Mary Paulin Balmes
Mary Pauline Balmes is a graduate of Bachelor in Broadcasting at West Visayas State University in Iloilo City. She is currently pursuing her Masters degree in Development Policy at De La Salle University- Manila. She works as an Associate for the Youth Leadership Development Unit of Ayala Foundation, Inc. extending support to four youth development initiatives of the foundation—the Ayala Young Leaders Congress (AYLC), a principle-based leadership development program of the Ayala Group for nation-building ; the Leadership for Communities (LeadCom), a grassroots-based leadership program that empowers community youth leaders develop meaningful and relevant projects for their community; the Filipino Young Leaders Program (FYLPRO), an immersion program of send to third generation Filipino-Americans who are based in the United States to experience Philippine culture first-hand.
Paul Cyrian M. Baltazar
Si Paul Cyrian M. Baltazar ay isang freelance na illustrator at graphics artist. Naging fellow siya sa unang Amelia Lapena-Bonifacio Workshop noong 2016, sa 2018 UST National Writers Workshop, at sa Luntiang Palihan ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center noong 2021. Pinalad ring mailathala ang kanyang mga akda sa mga publikasyong tulad ng Philippines Graphic, Tomas Literary Journal, at Likhaan.
John Lloyd Casoy
Si John Lloyd C. Casoy, tubong Samar at nakatira sa Rizal, ay isang pampublikong guro mula sa lungsod ng Antipolo. Nagtapos ng kolehiyo sa kursong BSED - Filipino at kasalukuyang tinatapos ang kaniyang masterado sa programang Master ng Artes sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Naging fellow siya sa ika-19 na San Agustin Writers Workshop ng University of San Agustin at sa ika-6 na Luntiang Palihan 2023 ng De La Salle University.
Harvey James G. Castillo
Kasalukuyang guro sa kolehiyo sa Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila, si Harvey James G. Castillo. Tubong Lungsod Quezon, nagtapos siya ng Batsilyer ng Sining sa Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas (Magna Cum Laude, Class Salutatorian), at kasalukuyang kandidato sa Masterado sa Araling Pilipino, major sa mga panitikan ng Pilipinas at minor sa sosyolohiya, sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Tuon ng kaniyang pananaliksik ang araling lungsod, tunggalian ng mga uri, at ang mga graffiti at latrinalya bilang mga tekstong panlipunan; mababasa ang ilan sa kaniyang mga isinulat sa Humanities Diliman, LIGÁW Anthology, Takós, at Katitikan Journal.
Ania Zairene Grace N. Colongon
Si Ms. Ania Zairene Grace N. Colongon ay isang guro sa English at Creative Writing sa Nena National High School, Division of Eastern Samar. Hilig niya ang pagbabasa at pagsusulat, kaya’t layunin niya ring ibahagi ang sining ng panitikan sa kanyang pagtuturo.
Joshua Alejandro C. Diokno
Joshua Alejandro C. Diokno, 38 anyos. Nagtapos si Joshua ng BA Araling Pilipino noong 2008 at kasalukyang nag-aaral sa ilalim ng programang MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isa siyang Fellow sa Ika-4 na Palihang Rogelio Sicat (PRS), Ika-3 Cavite Young Writers’ Workshop, at Luntiang Palihan 2021: The DLSU Young Writers’ Workshop in Local Languages. Hilig din niya ang weightlifting at pagte-train sa Boxing, Muay Thai, at Yaw Yan (Sayaw ng Kamatayan). Nangongolekta din siya ng komiks, action figures, at statues na hindi kayang bilhin ng sinasahod niya bilang Copywriter sa isang Australian Real Estate firm. Kung makabibili man siya, inililihim niya ito sa kanyang asawa. Naninirahan si Joshua ng kanyang misis na si Citadel sa sariling nilang tahanan sa Toclong, Kawit, Cavite kasama ang dalawang pusa at dalawang aso nilang minu-minuto'y kailangan pakainin.
Andyleen C. Feje
Si Andyleen C. Feje, mas kilala bilang Andy, ay tubong Quezon, Nueva Ecija. Siya isang lesbyanang manunulat at anak ng magsasaka. Ilan sa kaniyang mga akda ay mababasa sa Young Blood column ng Philippine Daily Inquirer, Manila Today, Liwayway Magazine, Agos: UP Refereed Journal ng Malikhaing Panitikan, Ubod Anthology (National Commission for Culture and the Arts, 2020), Lagda: Journal ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (2021), Tingle: Anthology of Pinay Lesbian Writing (Anvil Publishing, 2021), Plus/+, Iba Plus, Maramihan: New Philippine Fiction on Sexual Orientations and Gender Identities (Ateneo Press, 2022), at ARUGA: Mga Sanaysay ng Pagtanggap at Paglingap (UST Publishing House, 2022).
KC Daniel Inventor
Nagtapos si KC Daniel Inventor sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) Manila sa kursong Bachelor of Arts/Bachelor of Secondary Education - Literature. Siya ay tubong Valladolid, Negros Occidental. Naging fellow siya ng 2nd Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop, Lagaslas Children’s Story Writing Workshop ng NCCA, Luntiang Palihan para sa pagsulat sa Lokal na Wika (Hiligaynon) ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center ng De La Salle University Manila, Ed Maranan Children’s Story Writing Workshop ng Baguio Writers Group, 17th Ateneo National Writers Workshop ng Ateneo Institute of Literary Arts and Practices, 2021 UST National Writers Workshop ng University of Santo Tomas Center for Creative Writing and Literary Studies, at Unang Palihang Rene O. Villanueva Para sa Panitikang Pambata ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas.
Joseph Ryann Jalagat
Si Joseph Ryann J. Jalagat ay nagtapos ng MA Communication Arts sa UP Los Baños. Siya ay nakapaglathala na ng kuwentong pambata, tula, dagli, sanaysay, at mga akademikong pag-aaral sa iba't ibang lathalain. Sa kasalukuyan, siya ay guro sa Far Eastern University - Manila.
Christian Dave C. Loren
Si Christian Dave C. Loren ay mula sa Lungsod ng Borongan, Silangang Samar. Hangarin niyang maipakita sa mga kabataan ang yaman ng tuluyan at panulaang Filipino lalo na sa kaniyang pinagmulang lungsod. Siya ay nagtapos ng Master of Arts in English Language Teaching.
Jannah Reeham M. Macaumbos
Si Jannah Reeham M. Macaumbos ay isang mag-aaral ng Pamantasang Mindanao na kasalukuyang tinatahak ang kursong Bachelor of Arts in English Language Studies. Isa sa mga adhikain ni Jannah ay ang pangalagaan ang mga katutubong wika sapagkat naniniwala siya na ito'y napakahalaga sa pagkakakilanlan ng mga katutubong Pilipino.
Ralph Vincent Mendoza
Kasalukuyang nagsusulat si Ralph Vincent V. Mendoza sa pahayagang Balita na bahagi ng Manila Bulletin. Nagtapos siya sa Leon Guinto Memorial College, Inc. sa ilalim ng programang Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at naging fellow sa Luntiang Palihan 2023: The DLSU Young Writers’ Workshop in Local Languages.
Renalene Nerval
Si Renalene Nerval, o mas kilala bilang Rena, ay isang Accounts Analyst at nagtapos ng AB Literature at BS Accountancy sa Pamantasan ng De La Salle, Maynila. Kasalukuyan siyang abala sa pagkuha ng kanyang lisensya bilang CPA. Numero man ang ginagalawan niyang mundo, nasa puso niya pa rin ang pagiging isang manunulat.
Ma. Cora Leila T. Nicdao
Si Ma. Cora Leila T. Nicdao ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Literature sa De La Salle University.
Ma. Steffi Velasco Nucum
Si Ma. Steffi Velasco Nucum ay isang tagamasid na nagtapos ng pag-aaral sa sikolohiya. Wari ito sa kanyang mga tula at akda.
Mirick Paala
Si Mirick Paala ay isang urban planner. Kasalukuyan niyang hinahanap ang daan pabalik sa pagsusulat.
Mark Ace Geno Parina
Si Mark Ace Pariña ay isang manunulat, rakista at inhinyero na tubong Cavite. At mayroon siyang kasabihang hindi mo mabibilog ang mga flat earther.
Benjamin Ambros King Sumabat
Benj Gabun Sumabat, a twenty-year-old Ilokano poet from Cagayan Valley, is currently pursuing a BA in Creative Writing at the University of the Philippines Diliman. He has actively participated in various workshops such as the Maningning Miclat Poetry Workshop, Bienvenido N. Santos Workshop for Young Writers, PASNAAN 12 Workshop for Ilokano Writers, and the Sunday Club National Writers Workshop, among others. His works have been also featured in literary journals and magazines, including Dagmay Literary Journal, TLDTD Biannual Journal for Filipino Poets, Sunstar Davao, and Bannawag Magazine.
Reya Mari S. Veloso
Si Reya Mari S. Veloso ay isang guro ng panitikan, kritisismong pangsining, at malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos. Mahilig siyang kumuha ng mga litrato, manood ng mga sitcom, at magsalin ng mga tula bilang pampalipas oras. Ang akdang "Ang Paborito ni Papa" ay ang kanyang comeback sa fiction matapos ang mahigit-kumulang isang dekada.
Jennifer T. Vinluan
Si Jennifer Vinluan ay isang guro at content writer mula Norzagaray, Bulacan. Siya ay kumukuha ng MA Araling Filipino sa De La Salle University.
Jerwin Bilale Uy
Nagtapos sa kursong Malikhaing Pagsulat (summa cum laude) at kasalukuyang nagpapatuloy ng Masterado (Panitikan ng Pilipinas) sa UP, Diliman. Nagtuturo siya ng Filipino sa hayskul.