R. B. Abiva
Si R. B. Abiva ay nagsusulat sa wikang Ilokano at Filipino, siya rin ay tagasalin, editor, musikero, pintor, at iskultor. Writing Fellow siya ng 58th UPNWW (Tula), 11 th Palihang Rogelio Sicat (Maikling Kuwento), 6th Cordillera Creative Writing Workshop (Tula), at 9th Pasnaan- Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop (Daniw). Kasapi siya ng CAP, KATAGA, at GUMIL- Filipinas.Dennis Andrew S. Aguinaldo
Nagtuturo ng ARTS 1 si Dennis Andrew S. Aguinaldo sa Departamento ng Humanidades ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Inilathala online ang kaniyang mga piyesa’t collab sa Plural, hal., Kritika Kultura, The Cabinet, at {m}. Nasa UP Press ang aklat niyang Bukod sa maliliit na hayop: mga tula.Mitch Balladares
Si Mitch Balladares ay isang gradwadong mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle na kumukuha ngkursong Masteral ng Pinong Sining sa Malikhaing Pagsulat. Naging writing fellow siya sa 17th Iyas National Writing Workshop noong 2017.Davidson Ladringan Banquil
Isinilang sa San Marcelino, Zambales. Nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education – Major in Filipino sa Ramon Magsaysay Technological University San Marcelino Campus. Kasalukuyang nagtuturo sa Sto. Tomas National High School, isang pampublikong paaralan sa Distrito ng Subic, Zambales.
Nailathala ang isang Maikling Kuwento, dalawang Dagli, at ilang Biswal na Sining sa ilang mga pambansang babasahin. Lumilikha ng mga Zines na naglalaman ng mga babasahing pampanitikan at biswal na sining.
Adalric G. Cabal
Si Adalric G. Cabal ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino at Malikhaing Pagsulat sa Subic NationalHigh School. Nailathala ang kanyang tula sa Liwayway at Resbak Zine. Kasapi ng Kataga (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.) at kasalukuyang katuwang na tagapangulo ng sangay nito sa Zambales.Nonon Villaluz Carandang
Nagtuturo bilang Full Professor sa De La Salle University ng panitikan, wika, kultura, malikhaing pagsulat, pamamahayagan, at sining sa antas kolehiyo at gradwado. Nailathala ang kanyang mga aklat na Angkan ni Eba (UST Publishing House, 2005), Lahi ni Adan (UST Publishing House, 2007) at Mga Kuwentong Lagalag (NCCA Ubod Writers Series). Nailathala sa mga magasin, pahayagan, at antolohiyang pampanitikan sa bansa at ibayong-dagat ang kanyang mga akda. Siya ay ginawaran ng Gawad Dr. Pio Valenzuela para sa Larangan ng Panitikan na ipinagkaloob ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan at ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa taong 2019 kaalinsabay sa paggunita ng ika-150 Anibersaryo ng Kapanangakan ni Dr. Pio Valenzuela noong July 11, 2019. Hinirang siya bilang visiting professor sa University of Mahidol sa Salaya, Thailand noong 2015.Jhai Casionan
Ordinaryong tao lang si Jhai Casionan- may magulang, may kapatid, may kaibigan, may crush, walang jowa. Kasalukuyan s’yang nag-aaral ng kursong AB Communication sa Calayan Educational Foundation, Inc., sa Lucena kung saan s’ya naging Associate Editor ng The SHS Gazette, ang opisyal na publikasyon ng mga estudyanteng senior high school sa nasabing paaralan noong nakaraang akademikong taon.Billy N. De Guzman
Nagtapos ng Masterado sa Pamantasang De La Salle – Maynila sa kursong Master sa Sining sa Araling Filipino. Kasalukuyang mag-aaral ng Doktorado sa parehas na programa at Pamantasan. Partaym Fakulti sa Pamantasang De La Salle – Maynila at Unibersidad ng Santo Tomas – Maynila.
Pauline Mari Hernando
Si Pauline Mari Hernando (pfhernando@up.edu.ph) ay naglilingkod bilang Associate Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman kung saan siya nagtuturo ng mga kurso sa parehong larang ng Panitikan at Araling Pilipino. Awtor ng aklat na Lorena: Isang Tulambuhay na inilathala ng University of the Philippines Press taong 2018. Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang Pangkalahatang Kalihim ng All UP Academic Employees Union.Albert A. Lagrimas
Si Albert A. Lagrimas ang may-akda ng “Ang Babaeng Nakaputi sa Panahon ng Pandemya.” Siya ay 13 ng nagtuturo at isang guro sa Filipino. Kasalukuyang nagtuturo sa Unibersidad ng Santo Tomas, Departamento ng Filipino. Binigyan ng parangal na President Gloria Macapagal Arroyo Leadership Awardee (2006), Model Teacher Awardee ng La Salle Green Hills (2017). Siya rin ay ambassador ng Sining Komunikasyon at Pamamahala o SIKAP, isang organisasyon na nagbibigay ng palihan sa Pamamahayag o Journalism. Nagsulat ng mga aklat sa Filipino mula Elementarya hanggang Junior High School (JHS).Joanah Pauline L. MacatangayKasalukuyang nagtuturo sa Junior High School at nagpapakadalubhasa sa Master of Arts in Literature Filipino sa Ateneo de Manila University. Patuloy na dumidiskubre, lumilinang, at nagpapalaganap ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsusulat. Ang sanaysay na ipinasa ay pinamagatang TAGURO: Pakikipagsapalaran ng Isang Guro sa isang OG na Dark Tournament.Christine Marie Lim Magpile
Nagtapos si Christine Marie Lim Magpile ng Bachelor of Science in Secondary Education–History Major (Cum Laude) sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha siya ng MA in Counseling (completed academic requirements) sa De La Salle University. Kasalukuyan siyang kumukuha ng MA Araling Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas at copy editor sa UP Press.Mon Karlo L. Mangaran
Nagtapos ng Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa De La Salle University at kasalukuyang mag-aaral ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa nasabing pamantasan. Kasalukuyang Assistant Professorial Lecturer sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU), at nagsisilbi rin bilang Lecturer sa University of Santo Tomas.Itinanghal na Mananaysay ng Taon 2010 sa Gawad Surian sa Sanaysay ng Komisyon sa Wikang Filipino at nagkamit din ng Karangalang Banggit sa parehong patimpalak noong 2013. Ang kaniyang masteradong tesis ay itinanghal bilang “Natatanging Tesis” sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2019 na ipinagkaloob ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Francisco A. MonteseñaAng manunulat ay si Francisco A. Monteseña na isang guro sa kolehiyo. Ipinanganak sa Majayjay Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Angono Rizal. Ang kaniyang mga skda ay may pamagat na Ang Mga Hindi Sinasabi at iba pang mga Tula.Jose Velando Ogatis-I
Si Jose Velando Ogatis-I ay nagtapos ng Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Siya ay tubong Silang, Cavite. Sa ngayon ay inaantay niya na muling umawit sa kanilang barrio ang mga kuliglig.Hannah Pabalan
Si Hannah Pabalan ay isang manunulat na nakapagtapos noong 2018 ng Bachelor of Arts in Literature sa De La Salle University-Taft. Kasalukuyan siyang isang research associate sa Bienvenido N. Santos Creative Writing Center at nag-aaral ng Masters of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University-Taft.Chuckberry J. PascualSi Chuckberry J. Pascual ay nagtapos sa UP Diliman. Siya ang awtor ng Kumpisal: mga kuwento (USTPH, 2015), Pagpasok sa Eksena: Ang Sinehan sa Panitikan at Pag-aaral ng Piling Sinehan sa Recto (UP, 2016), Ang Tagalabas sa Panitikan (USTPH, 2018), Hindi Ito Romansa (SWF-UPD, 2020), at ng Ang Nawawala (Visprint, 2017) na nagwagi bilang Best Book of Short Fiction in Filipino sa National Book Awards 2018. Nagsisilbi siya bilang Resident Fellow sa UST Center for Creative Writing and Literary Studies at Faculty Researcher sa UST Research Center for Culture, Arts and Humanities.Juan Miguel Leandro L. Quizon
Si Juan Miguel Leandro L. Quizon ay isang pianista, guro, manlalaro, at mananaliksik ng kultura at espasyo. Kung hindi siya nagtuturo, siya ay kadalasang nasa liblib na isla o abalang siyudad, habang sumusubok ng mga bagong pagkain. Tinatapos niya ang kaniyang PhD in Literature sa Pamantasang De La Salle, kung saan din siya nagtuturo sa ilalim ng Kagawaran ng Panitikan.Iza Maria Reyes
Si Iza Maria Reyes ay nanay, guro, at manunulat. Nakasali na sa mga pambansang palihan at nagwagi ng ikatlong gantimpala sa kategoryang sanaysay sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Nakapaglimbag na rin ng librong kuwentong pambata, “Ang Aking Agent Nanay”.
Sherald C. Salamat
Si Sherald C. Salamat ay ipinanganak sa bayan ng Atimonan sa lalawigan ng Quezon, at kasalukuyang naninirahan sa Dasmariñas, Cavite. Siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon – Medyor sa Filipino sa University of Perpetual Help System – GMA Campus, at kasulukuyang nagtuturo ng mga asignaturang Filipino sa Cavite State University – Main Campus. Makailang ulit nang nagwagi ang kanyang mga akda sa Saranggola Blog Awards, at pinalad na maging fellow sa 3rd Cavite Young Writers Workshop.Jose Monfred Sy
Si Jose Monfred Sy ay nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Bilang kasapi ng Save Our Schools Network, siya rin ay nagtuturo ng araling panlipunan at malikhaing pagsulat sa Bakwit School para sa mga kabataang Lumad.Hezekiah Louie Zaraspe
Si Hezekiah Louie Zaraspe ay isang guro ng wika at panitikan sa Kolehiyo ng Miriam Nuvali. Tinatapos niya ngayon ang kanyang Master sa Sining sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kapag hindi siya sumusulat ng katha, sanaysay, o tula, inuubos niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng mga libro, panonood ng anime, at pagluluto ng carbonara.