Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
AARichela L. dela Cruz
Si AARichela L. dela Cruz (opo, 'yan ang ispeling ng kanyang pangalan) ay kabilang sa Office for Strategic Communications at Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle. Dito rin siya nagtapos ng kanyang digring BS in Applied Economics at MA in Philippine Studies.
Francis Gallano Delgado
Makatang Nobelista si Adíng Kiko o Francis Gallano Delgado sa tunay na búhay. Nakapaglimbag ng higit tatlumpong aklat-pampanitikan, ang kaniyang mangá akdâ, sa Filipino man o sa Ingles, ay ginagamitan niya ng mangá sagisag-panulat. Siya ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, tagapagsalin, kritiko, teorista, iskolar, mananaysay, mandudula, at mangangatha. Bukod dito ay isa din siyang photographer, ilustrador, at rebyuwer.
Shiela Mae N. Hernandez-Espora
Si Shiela Mae N. Hernandez-Espora ay kasalukuyang nagtuturo sa Northern Iloilo Polytechnic State College, Estancia Main Campus na may ranggong Assistant Professor I at kasalakuyang kumukuha ng kanyang “Doctor of Education major in Filipino Language Teaching” sa Negros Oriental State University. Naging opisyal na tagapagsanay sa patimpalak na deklamasyon, pagkukuwento, pagsulat ng sanaysay, at talumpati sa hayskul at kolehiyo. Obra Maestra nya ang iba’t ibang pyesa ng pagkukuwento at deklamasyon ng mga kalahok na nagmula sa Sekundarya at kolehiyo, kasama na rito ang ginawa nyang maikling kwentong may pamagat “Si Lola Tali, at ang Kanyang Kasaysayan”.
John Carlos D. Evangelista
Si John Carlos D. Evangelista ay nagtapos ng kursong Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila (PNU) at kasalukuyang kumukuha ng kanyang antas masterado sa kursong MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya ay dating Pangulo ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN), ang Opisyal na Samahang Pang-akademiko ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino sa PNU. Kasalukuyang siyang guro sa Filipino sa Mataas na Paaralan ng St. Scholastica’s College, Manila.
Cris Lanzaderas
Si Cris R. Lanzaderas ay guro sa UP Los Baños. Kasalukuyang tagapag-ugnay (subject area coordinator) ng Departamento ng Filipino sa UP Rural High School at nagtuturo ng wika, panitikan, at malikhaing pagsulat.
Charmaine Lasar
Si Charmaine Lasar ay fellow sa ika-58 na UP National Writer’s Workshop at ika-11 Palihang Rogelio Sicat. Ang kanyang nobelang “Toto O” ay nag-uwi ng natatanging gantimpala sa Don Carlos Palanca Awards taong 2015 at pinarangalan din ng National Book Awards bilang Best Fiction in Filipino taong 2017. Bukod sa pagtatangkang maging manunulat, isa rin siyang guro sa FIRST Industrial Science and Technology College sa Probinsiya ng Batangas.
Jasper P. Lomtong
Haliging maituturing si Jasper P. Lomtong sa kanyang tayong prinsesa at mahal na prinsesa. Guro sa Wika, Kultura, at Panitikan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Manunulat at mambabasa sa labas ng pagiging guro.
Maricel Padua Lopez
Si Maricel Padua Lopez ay isang guro sa Signal Village National High School sa loob ng dalawang dekada. Kasalukuyang humahawak ng asignaturang “Creative Writing, Creative Non-Fiction at EAPP” sa departamento ng Senior High School. Siya ay nagsisimulang manunulat, reading advocate at ina ng 4 na lalaking anak na may edad 15, 13, 8 at 5.
Joana Marie L. Martirez
Ako po si Joanna Marie L. Martirez, guro sa Filipino sa Pasig City Science High School. Nagtapos ng AB Filipinolohiya sa Polytechnic University of the Philippines at kumukha ng masterado sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina sa programang Master of Arts in Filipinohiya. Ang akda ko pong ipinasa ay dagli na may pamagat na Dalaw at Hustisya.
Jose Velando Ogatis-I
Jose Velando Ogatis-I teaches at the Department of Arts & Communication of UP Manila. He is the founder of UP Manila Belle, a cultural organization that develops women in the perfoming arts. He collects action figures and comicbooks.
Khristian Ross P. Pimentel
Si KHRISTIAN ROSS P. PIMENTEL ay iskolar ng bayan at alumnus ng Polytechnic University of the Philippines Laboratory High School (Batch 2006), Philippine Normal University (BSE-English, Batch 2010), at University of the Philippines-Diliman (MAEd-Educational Psychology, Batch 2017). Siya ay kasalukuyang guro sa Antipolo National High School, at nagkamit siya ng Guronasyon Most Outstanding Secondary School Teacher (2019) at Numero Unong Guro Award (2018). Naglathala siya ng mga artikulo sa iba’t ibang pambansang pahayagan, dalawang research journal, isang teksbuk, isang aklat pambata, at kontribusyon sa dalawang antolohiya.
Jason F. Pozon
Si G. Jason F. Pozon ay nagtapos sa PNU ng kursong Batsilyer sa Pansekondaryang Edkuasyon medyor sa Filipino noong 2014 na nagkamit ng KADIPAN Leadership Award at Francisco Balagtas Special Award. Nagtapos ng MA Malikhaing Pagsulat sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman habang nagtuturo ng Filipino sa UP Rural High School sa UP Los Baños. Naging fellow ng 6th Cordillera Creative Writing Workshop noong 2018 sa UP Baguio, Ika-12 Palihang Rogelio Sicat noong 2019 sa UPLB at Ika-4 na Palihang Bienvenido Lumbera sa Salin ng Likhaan, UP Institute of Creative Writing. Nakapaglathala ng ilang personal na sanaysay sa Literary Journal ng Sentro sa Wikang Filipino-UP Diliman at sa Ani Refereed Journal ng Cultural Center of the Philippines.
Joeffrey M. Sacristan
Kasalukuyang tinatapos ni G. Joeffrey M. Sacristan ang programang Master ng Artes sa Filipino (MAF) sa Gradwadong Paaralan ng PUP Sta. Mesa, Manila. Guro sa Filipino sa Junior High School ng Unibersidad ng San Beda Rizal. Nagkamit siya ng Ikalawang Gantimpala sa Pagsulat ng Maikling Kuwento sa Unang Gawad Rogelio Ordoñez ng College of Arts and Letters, PUP Sta. Mesa, Manila.
Mark Anthony S. Salvador
Si Mark Anthony S. Salvador ay nagtapos ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman at kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa Pilosopiya sa Panitikan ng Pilipinas sa kaparehong pamantasan. Kasalukuyang siyang assistant professor lecturer sa Pamantasang De La Salle – Manila. Kasapi siya ng Valenzuela Arts and Literary Society at Alliance of Concerned Teachers – Private Schools.
Chuck D. Smith
Si Chuck D. Smith ay kasalukuyang nag-aaral ng MFA Creative Writing sa DLSU.
Roda Tajon
Si Roda Tajon ay manggagawa sa isang NGO na nagsusulong ng karapatan ng mga katutubo. Kumukuha rin siya ng graduwadong aralin sa isang pamantasan sa lungsod Quezon.
Jame A. Valenia
Ako po si Jame A. Valenia, 36 taong gulang, na nakatira sa Amas, Kidapawan City at may-akda ng kuwentong “Mga Tiktik Sa Kaadlawon.” Nagtapos ako ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa University of Southern Mindanao noong 2014. Sa kasalukuyan, ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Matalam High School, Poblacion, Matalam, Cotabato.