Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Rene Boy Abiva
Si R.B. Abiva ay guro ng panitikan at agham-panlipunan sa Manuel V. Gallego Foundation Colleges. Nasa huling yugto na siya ng kanyang MA-Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Mahilig siyang magbasa at magsulat sa madaling-araw.
Dennis Andrew S. Aguinaldo
Nagtuturo ng ARTS 1 si Dennis Andrew S. Aguinaldo sa Departamento ng Humanidades ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Inilathala online ang kaniyang mga piyesa sa Revolt, Cold moon journal, Dx Machina, Poetry and Covid, at Ani: Lakbay. Nasa UP Press ang aklat niyang Bukod sa maliliit na hayop: mga tula.
Arnold Tristan L. Buenaflor
Si Arnold Tristan L. Buenaflor ay isang Instruktor a mula sa UP Baguio, nagtuturo ng mga subjects sa ilalim ng Departamento ng Wika, Panitikan, at Sining. Kasalukuyan din siyang isang gradwadong estudyante sa UP Diliman sa ilalim ng MA Malikhaing Pagsulat. Naging fellow siya sa Palihang Rogelio Sicat 15 , 7th Amelia Lapena-Bonifacio Workshop, at Teaching LGBT Literature ng UP Likhaan. Sa labas ng pamantasan, siyaay naging Pangalawang Tagapagsalita ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) at founding chairperson ng Bahaghari UP Baguio. Noong 2018, siya ay nagawaran ng Ignite Brave Award ng Amnesty International Philippines. Siya ay isang bakla at PWD (Psychosocial disability) na manunulat. Itong nakaraan lamang, siya ay ginawaran bilang Grand Champion sa 2023 Salanga Prize ng Philippine Board on Books For Young People. Ang kaniyang pen name ay T.El.
Eldrin Jan D. Cabilin
Si Eldrin Jan D. Cabilin ay nagtapos ng MA Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya at ginawaran ng pinakamahusay na tesis sa ilalim ng programa ng Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila Kasalukuyan siyang lektyurer sa Far Eastern University - Manila. Isa siyang deboto ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo kaya mahal na mahal niya ang kanyang Ina.
Arlan Manalon Camba
Si Arlan Manalon Camba ay guro ng Filipinohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. May yunits ng doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa U.P. Diliman at nakapaglathala na ng kanyang koleksyon ng mga tula. Kasalukuyan siyang tumatayong Pangulo ng UGPUP o Unyon ng mga Guro sa P.U.P.
Christian Jeff G. Cariaga
Naging guro sa Aquinas School at De La Salle Santiago Zobel School. Mula sa Nueva Ecija at nangangarap na maging manunulat.
Gildford Doquila
Si Gilford Doquila at tubong Mindanao. Siya ay nagtapos ng BA English (Creative Writing) mula sa Unibersidad ng Pilipinas Mindanao. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng panitikan.
Christian Dave C. Loren
Si Christian Dave C. Loren ay mula sa Borongan City, Eastern Samar at nagtapos ng Master of Arts in Education major in English Language Teaching. Nais niyang ibahagi ang kagandahan ng Panitikang Filipino sa kasalukuyang henerasyon sa pamamagitan ng pagtuturo. Hangad niyang maipakita sa mga kabataan ang yaman ng tuluyan at panulaang Filipino lalo na sa kanyang pinagmulang lungsod.
Rey Mart Malaya Lapiña
Si Malaya ay isang trans woman (posttranssexual) mula sa Lungsod ng Davao. Siya ay nagtapos ng kursong BS Anthropology sa Unibersidad ng Pilipinas Mindanao kung saan din siya kasalukuyang nagtuturo sa ilalim ng Departamento ng Agham Panlipunan.
Francisco A. Monteseña
Ang manunulat ay si Francisco A. Monteseña na isang dating guro sa kolehiyo. Ipinanganak sa Majayjay Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Angono Rizal. Ang kaniyang akda ay may pamagat na Himig ng Kulisap, mga Tula.
Jose Velando Ogatis-I
Si Jose Velando Ogatis-I ay nagtuturo sa Departamento ng Sining at Komunikasyon ng Kolehiyo ng Agham at Sining ng UP Manila. Nagtapos siya sa UP Diliman ng kursong MA Filipino: Malikhaing Pagsulat at BA English Studies: Creative Writing. Siya ang nagtatag ng grupong UP Manila Belle, isang grupong kultural na nagtatanghal sa loob at labas ng UP Manila.
Mark Anthony S. Salvador
Nagtapos ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa Pilosopiya sa Panitikan ng Pilipinas sa nasabing pamantasan si Mark Anthony S. Salvador. Kasalukuyan siyang assistant professorial lecturer sa Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle – Maynila.
Sara Mae San Juan-Robin
Si Sara Mae San Juan-Robin ay taratitat na guro mula sa Tanggapan ng Larangan ng Filipino, Department of Language and Literature, Institute of Arts and Sciences ng Far Eastern University. Nagtapos siya ng MA Araling Filipino at BA Communication Arts sa De La Salle University. Sa kasalukuyan, ang tesis masterado niyang Bagsakan: Estetika at Praktika ang pinakamahabang opisyal na paliwanag niya tungkol sa isang paksa.
Arnold M. Valledor
Si Arnold Matencio Valledor, Public Schools District Supervisor ng Pandan East and West Districts ng islang Catanduanes, ay nakapaglathala na ng iba’t ibang genre ng akda sa Liwayway Magazine. Napabilang na sa iba’t ibang antolohiya ang kaniyang mga akda gaya ng ANI, Lagda, Aksyon, Balintuna, Lakbay, Katastropiya, Kasing-kasing Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 Issue No. 4, Balligi, Katitikan 4, Luntian 4 at 6, Alaala ng mga Pakpak, Santelmo 1 at iba pa.