Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
ni Davidson Ladringan Banquil
Isa ito sa mga drawing ko at naging proyekto sa isang Zine na may pamagat na, Huwad na Lunas sa Pilipinas ©2019. Ang Zine ay tungkol sa kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng Tokhang / Drugwar. Hindi ko alam, pero, kahit yata ngayong panahon ng Covid-19, aplikable pa rin ang drawing na ito.
Balak ko sana itong i-exhibit kasama ng mga likha ng mga kaibigang artists ng Zambales ngunit nagkaroon ng pandemya kaya hindi natuloy. Ang drawing na ito ay maiging ipaskil nang medyo mataas, na bahagyang titingalain. Titingnan ito mula sa ibaba-paitaas upang ipaalala sa tumitingin kung nasaan siya nakaapak at kung nakikita pa ba niya ang mga dapat ay makita.