Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Mesándel Virtusio Arguelles
Si Mesándel Virtusio Arguelles ay editor, tagasalin, at awtor ng 22 aklat ng at tungkol sa tula, kabilang ang bilingguwal na edisyong Walang Halong Biro (De La Salle University Publishing House, 2018), Ang Iyong Buhay ay Laging Mabibigo: Mga Piling Tula (Ateneo de Naga University Press, 2016), trilohiyang Talik (2017), Antares (2018), at Mujeres Publicas (2019) mula sa Balangay Books, at ang mga salin sa Ingles (ni Kristine Ong Muslim) ng dalawa niyang aklat, Hollow (Fernwood Press, 2020) at Three Books (Broken Sleep Books, 2020). Nakatanggap ng mga pambansang parangal gaya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at Maningning Miclat Poetry Award, mga fellowship sa pagsulat mula sa University of the Philippines National Writers’ Workshop at Bienvenido N. Santos Creative Writing Center National Workshop on Art and Cultural Criticism, at tatlong ulit naging finalist sa National Book Award, si Arguelles ay nagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University-Manila.Lorenzo Miguel Sotto Buenaflor
Si Lorenzo Miguel Sotto Buenaflor ay tapos ng BSE Social Science sa Philippine Normal University at kasalukuyang mag-aaral ng programang MA Araling Filipino (Wika, Kultura, at Midya) sa De La Salle University. Nagtuturo sa antas senior high school ng mga kurso sa ilalim ng humanidades, agham panlipunan, at pananaliksik sa Immaculate Heart of Mary College - Parañaque.Nonon Villaluz Carandang
Nagtuturo bilang Full Professor sa De La Salle University ng panitikan, wika, kultura, malikhaing pagsulat, pamamahayagan, at sining sa antas kolehiyo at gradwado. Nailathala ang kanyang mga aklat na Angkan ni Eba (UST Publishing House, 2005), Lahi ni Adan (UST Publishing House, 2007) at Mga Kuwentong Lagalag (NCCA Ubod Writers Series). Nailathala sa mga magasin, pahayagan, at antolohiyang pampanitikan sa bansa at ibayong-dagat ang kanyang mga akda. Siya ay ginawaran ng Gawad Dr. Pio Valenzuela para sa Larangan ng Panitikan na ipinagkaloob ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan at ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela para sa taong 2019 kaalinsabay sa paggunita ng ika-150 Anibersaryo ng Kapanangakan ni Dr. Pio Valenzuela noong July 11, 2019. Hinirang siya bilang visiting professor sa University of Mahidol sa Salaya, Thailand noong 2015.AARichela dela Cruz
Si AARichela dela Cruz (opo, 'yan ang ispeling ng kanyang pangalan) ay kabilang sa Office for Strategic Communications at Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle. Dito rin siya nagtapos ng kanyang digring BS Applied Economics at MA Philippine Studies. Nabubuo niya ang kuwento ng buhay ng mga pasahero kapag pinagmamasdan niya ang mga sapatos nito sa tuwing siya'y sasakay ng tren.Rowena P. Festin
Kinilala ng National Book Development Board (NBDB) at Manila Critics Circle (MCC) ang kanyang aklat na ‘Banayad’ bilang pinakamahusay na aklat ng mga tula sa Filipino para sa taong 2017. Ang kanyang mga tula, maikling kuwento, at mga kritikal na sanaysay tungkol sa panitikan at kulturang Pilipino ay nailathala sa mga lokal at internasyonal na dyornal at antolohiya.Rowell Madula
Si Rowell Madula ay nagtapos ng kursong BS Management Major in Legal Management sa Pamantasang Ateneo de Manila, MA (may mataas na karangalan) at PhD (pinakamahusay na disertasyon) sa Araling Pilipinas sa Pamantasang De La Salle-Manila. Ko-awtor ng mga librong “To Write is To Choose: Ang Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972” at “Ekonomiks sa Filipino.” Kasalukuyang Associate Professor at Pangalawang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, DLSU Manila. Siya rin ang associate editor ng Malay, isang internasyonal na journal sa Araling Pilipinas at kasalukuyang Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers Private Schools.Nikky Necessario
Si Nikky Necessario ay nagtapos ng AB Philippine Studies major in Filipino in Mass Media sa Pamantasang De La Salle at kasalukuyang kumukuha ng masterado sa parehong programa at unibersidad. Sa ngayon, naglilingkod sa isang ahensya ng pamahalaan habang hinahanap ang tunay na kahulugan ng buhay (kung meron man).Rhoderick Nuncio
Si Dr Rhoderick V Nuncio ay kasalukuyang tagapangulo ng DF at research fellow ng DLSU. Siya ang tagapagtatag ng Network Learning PH Inc. (NLPH) na isang propesyunal na organisasyon ng mga gurong online at mga mananaliksik sa ICT para sa edukasyon. May mga publikasyon siya tungkol sa Araling Pilipinas, Araling Internet, kritika, pilosopiya at malikhaing pagsulat.Binsong Salibio Ocaleña
Si Binsong Salibio Ocaleña ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang data analyst sa isang startup na kompanya habang kumukuha ng Master ng Sining sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle. Nakapaglathala siya ng tula sa Liwayway noong 2017 at ngayong taon ay napasama sa mga antolohiyang Balintuna: Mga Kuwentong Kakatwa at Lakbay: Mga Tulang Lagalag ng 7 Eyes Productions.Marvin Reyes
Nagtapos ng Ph.D Translation sa DLSU, Kasalukuyang Prefect of Student Affairs ng College of Arts & Sciences ng San Beda University at part timer sa Departamento ng Filipino, De La Salle University.David Michael San Juan
Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) at Full Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila (DLSU-Manila). Dating Vice Head of the National Committee on Language and Translation sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Isa sa mga lead convener ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika). Associate member ng Division I (Governmental, Educational and International Policies) ng National Research Council of the Philippines (NRCP). Itinanghal na Makata ng Taon 2010 at Mananaysay ng Taon 2009 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).Sara Mae San Juan-Robin
Si Sara Mae San Juan-Robin ay kasalukuyang nagtuturo sa Far Eastern University. Nasa proseso siya ngayon ng paggawa ng kanyang disertasyon para sa kursong Doktor ng Araling Filipino sa De La Salle University. Siya rin ang kumatha ng isa sa pinakamalagom na tesis tungkol sa freestyle rap battle sa Pilipinas.Rakki Sison-Buban
Associate Professor sa Departamento ng Filipino, at koordineytor ng Gradwadong Programa sa Filipino ng DLSU-Maynila. Nagtapos ng PhD Ladderized Program sa Filipino, medyor sa Pagsasalin sa DLSU-Maynila taong 2003. Pangulo ng organisasyong PATAS (Propesyonal na Association ng mga Tagasalin at Tagapagtaguyod ng Salin) at vice head ng sub-komiteng tagapagpaganap ng NCCA-NCLT (National Committee for Language and Translation). Umaasa pa ring balang araw ay uunlad habang nananatiling luntian ang ating bayang minamahal.Janet Hope Tauro
Noon si Janet ay reporter sa print at TV, at Chair/Associate Professor ng Filipino Department ng DLSU at ng Communications Department ng Philippine Women’s University. Ngayon, kasama niya ang pamilya sa middle earth at nagtatrabaho sa Ministry of Social Development, habang nagtuturo part time sa Filipino Department DLSU via online.At habang may buhay si Janet ay patuloy na magiging makulit na Nanay ni Ludwig at Rielle, sumpungin na asawa ni Ritchie at nawawalang manunulat.Dolores R. Taylan
Si Dolores R. Taylan ay nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Gumaganap din siya ng tungkulin bilang koordineytor ng Basic Filipino for Foreigners and Non-Tagalog Speakers, koordineytor ng On-the-Job Training/ Practicum para sa kursong AB Philippine Studies, tagapayo ng De La Salle University Association Internationale des Étudiants en Sciences Économiques et Commerciales (DLSU AIESEC), at tagapayo ng Ang Pahayagang Plaridel, isa mga opisyal na pahayagang pangkampus ng Pamantasang De La Salle – Maynila.John Iremil Teodoro
Tubong-San Jose de Buenavista, Antique si John Iremil Teodoro na sumusulat sa Kinaray-a, Hiligaynon, Filipino, at Ingles. Nagtuturo siya ng malikhaing pagsulat, literatura, at pagpapahalaga sa sining sa Departamento ng Literatura ng Pamantasang De La Salle.Jennifer T. Vinluan
Siya ay kumukuha ng MA Araling Filipino sa DLSU. Kasalukuyang naninirahan sa Malabon at nagtatrabaho bilang Content Writer sa isang pampublikong paaralan.