Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Rowena E. Arizala
Si Rowena E. Arizala ay ipinanganak at lumaki sa lungsod ng Paranaque. Sa kasalukuyan, siya ay isang guro sa pampublikong paaralan.
Jun Yang Badie
Si Jun Yang Badie ay Blaan, Lumad ng South Cotabato na napadpad sa Maynila para sa kaniyang doktorado. Natanggap niya ang pinakamalaki, pinakamaganda, at pinakamahalagang dahon ng kaniyang buhay nitong Setyembre 2021. Isa na siyang Lasalyanong Lumad.
Wilfredo S. Cavan Jr.
Si Wilfredo, Jr. S. Cavan ay kasalukuyang kumukuha ng Doktor ng Pilosopiya Medyor ng Filipino sa University of Southern Mindanao. Natapos niya ang kanyang Masterado sa Unibersidad ng Mindanao-Davao City. Kasalukuyang nagtuturo ng mga Asignaturang Filipino ng Molopolo National High School sa lalawigan ng Davao del Sur.
Ramilito B. Correa
Assistant Professor sa Departamento ng Filipino sa De La Salle University-Manila at kasalukuyang tinatapos ang Doctor of Arts in Language and Literature- Filipino. May mga publikasyon siya sa araling Filipino – (nasyunal at internasyunal), pagsasalin, kasaysayang pampanitikan, at mga salin ng maiikling kwento at tula sa Filipino sa iba’t ibang dyornal. May Gawad Pagsulat ng Sanaysay Gantimpalang Collantes, Komisyon sa Wikang Filipino noong 2003 at 2012 (Karangalang Banggit).
Jestoni Benjamin D. Entereso
Dahil sa pandemya, naglalakabay si JESTONI BENJAMIN D. ENTERESO sa mga pahina, canvas at papel. Sa pamamagitan nito, naiibsan niya ang lungkot at pangungulila kahit kaunti. Gustong-gusto na niyang matapos ang pandemyang ito.
Early Sol A. Gadong
Si Early Sol A. Gadong ay nagtuturo ng matematika at research sa University of the Philippines Visayas sa lungsod ng Iloilo. Ang kaniyang mga tula at kuwento ay nailathala ng Kasingkasing Press, Komisyon sa Wikang Filipino, at SanAg Journal. Siya ay kasalukuyang bise-presidente ng Hubon Manunulat at pangulo ng All UP Academic Employees Union – Iloilo Chapter.
Joseph Ryann J. Jalagat
Si Joseph Ryann J. Jalagat ay nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños ng Master of Arts in Communication Arts at sa PUP Sta. Rosa ng BSEd English. Sa kasalukuyan, siya ay isang guro sa Philippine Science High School-CALABARZON Region Campus.
Christian Dave C. Loren
Si Christian Dave C. Loren ay nagtuturo sa Eastern Samar National Comprehensive High School. Nagtapos siyang magna cum laude sa kursong Bachelor in Secondary Education major in English sa Eastern Samar State University-Borongan. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Masters of Arts in Education major in English Language Teaching sa parehong unibersidad.
Ruth Elynia S. Mabanglo
Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay isang makata at iskolar. Nakapaglathala siya ng mga tula sa nakalipas na tatlumpung taon at nagawaran ng iba't ibang pagkilala, kabilang ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame Award, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Makata ng Taon noong 1992, at Manila Critics Circle 1990 National Book Award for Poetry para sa kanyang aklat na Mga Liham ni Pinay.
Leoben N. Miel
Si Leoben Miel ay isang Lucbaning guro na nagtuturo sa Batangas State University - Malvar Campus. Kung hindi siya nagtuturo at nagsusulat, siya ay abala bilang asawa ni Cyd at daddy ni Martha.
Keith Richard Ruiz
Si Keith Richard Ruiz ay kasalukuyang kumukuha ng MA Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Isang guro sa kolehiyo at isang manunulat, somewhere in Cavite.
Mary Grace Constantino Suplito
Nakapagtapos sa kursong BSE-Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Naging guro sa Colegio de Imus, Woodridge College at Las Pinas East National High School Talon Village Annex. Kasalukuyang nagtratrabaho bilang isang OFW sa Bermuda, UK. Layuning makapag-ambag sa panitikan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga kuwento. Isang Ina na may apat na anak.
Prince Vincent M. Tolorio
Si Prince Vincent M. Tolorio nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Filipino sa Mindanao State University Lungsod ng Heneral Santos at kasalukuyang kumukuha ng Master of Arts in Teaching in Filipino sa Sultan Kudarat State University Lungsod ng Tacurong. Nakapag-publish na rin ng akda sa Cotabato Literary Journal at Sulat Cotabato, ngayon ay nagtuturo ng Wika at Panitikan sa Holy Trinity College Lungsod ng Heneral Santos. Direktor at manunulat din ng mga akdang inilalahok sa Sabayang Pagbigkas.
Arnold Matencio Valledor
Si Arnold Matencio Valledor, Punongguro II, OIC, Public Schools District Supervisor ng Bagamanoc South District ng islang Catanduanes, ay nakapaglathala na ng iba’t ibang genre ng akda sa Liwayway Magazine. Napabilang na sa iba’t ibang antolohiya ang kaniyang mga akda gaya ng ANI, Lagda, Kasing-Kasing, Balligi, Lampara, at iba pa.
Hezekiah Louie R. Zaraspe
Si Hezekiah Louie Zaraspe ay nagtapos ng kanyang Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya, dalubhasa sa Ingles, at Master ng mga Sining sa Malikhaing Pagsulat mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Mababasa ang ilan sa kanyang mga malikhaing akda sa Bukad (Miriam College, 2019), Revolt Magazine, Philippine Daily Inquirer, Rappler, Novice Magazine, at Locked Down, Lit Up: An Anthology of Creative Work in a Time of Quarantine (UP Press, forthcoming). Napili siya bilang fellow sa 2022 UST National Writers' Workshop at sa 2022 Palihang Pampanulaan ng LIRA.