Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Abdullah T. Abubakar
Si Abdullah T. Abubakar ay isang Lisensiyadong Propesyonal na Guro. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa City College of Tagaytay at naitampok sa isang artikulo ng Dailypedia.net na pinamagatang “A dedicated Filipino major student wows netizens with his innovative instructional materials”. Sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang Pananaliksik sa Antas Masterado sa The National Teachers College – Manila, sa kursong Master of Arts in Education Major in Filipino. Siya ay naging Guro sa Cavite State University sa loob ng limanag taon at nagsilbing Language Assistant Mentor sa Danas Tagalog Project by US Department of Education, Fulbright Hays Group Project ng Northern Illinois University, Central Luzon State University at Cavite State University. Kasalukuyang Part-time na Guro sa National University Laguna at National University Dasmariñas.
Dennis Andrew S. Aguinaldo
Masayang nagtuturo ng sining at panitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo para sa Departamento ng Humanidades, CAS, UP Los Baños. Habang nag-iimbak sa tekstongbopis.blogspot.com, nakapaglathala siya online sa Daluyan, ACT Forum Online, hal., Busay, Bulatlat, at Pananaw. Nakolekta sa mga aklat ang kanyang mga kuwento at tula—sa Shift of Eyes at Bukod sa maliliit na hayop.
Mykel Andrada
Si Mykel Andrada ay guro ng panitikan, malikhaing pagsulat at Philippine Studies sa UP Diliman. Isa rin siyang mamamahayag at manggagawang pangkultura. Miyembro siya ng Surian ng Sining, Inc. (SUSI).
Anne Richie Balgos
Si Anne Richie G. Balgos, isang tubong Nueva Vizcaya, ay kasalukuyang guro sa New Mexico, USA. Natapos niya ang kanyang MA in Educational Theatre sa New York University at PhD in Applied Linguistics sa De La Salle University. Siya ang mandudula ng "Paroo't Parito" na itinanghal ng DLSU Harlequin Theater Guild bilang bahagi ng DuLa Salle 2K23.
Moreal N. Camba
Si Moreal Camba ay guro at mangingibig ng wika at panitikan. Musa niya sa pagsulat ang pang-araw-araw na karanasan. Ito ang una niyang biyahe sa bansang Viet Nam.
U Z. Eliserio
Si U Z. Eliserio ay guro sa College of Arts and Letters, UP Diliman. Awtor siya ng Ang Hari ng Maikling Kwento (forthcoming mula sa UP Press). Bisitahin siya sa ueliserio.com/books.
Jiellian Anne Enano
Si Jiellian Anne R. Enano ay nagtapos ng kanyang Bachelor's Degree in Education sa Philippine Normal University at aktibong lumahok sa Sangay Salamin at Sangay Pilantik ng KADIPAN. Natapos niya ang kanyang Masters Degree sa Malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines-Diliman. Mahilig si Jie sumulat ng mga tula, maikling kuwento, malikhaing sanaysay, at mga eksperimental na akda. Sa kasalukuyan, siya ay faculty member sa Department of Language and Literature ng Far Eastern University-Manila.
Daniel Avila De Guzman
Si Daniel Avila De Guzman ay tubong Antipolo ngunit nakatira na ngayon kasama ng asawa at anak sa Valenzuela. Nagtapos ng BSE Filipino sa PNU Manila kung saan din kasalukuyang tinatapos ang digring Master ng Sining sa Edukasyon, Pagtuturo ng Filipino. Nakapaglathala na ng kanyang mga akda sa Aklas ng The Torch Publication, Liwayway Magazine, TAKOS Vol. IV ng Nueva Ecija Institute of Science and Technology, at ANI 42 ng Cultural Center of the Philippines.
Nikko Miguel Garcia
Si Nick Garcia ay nagsusulat ng news at features sa PhilSTAR L!fe. Mababasa ang personal essays niya sa Rappler Voices and Inquirer Young Blood, at poetry at film criticism niya sa Cha: An Asian Literary Journal. Kumukuha siya ng Master of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University.
John Carlo S. Gloria
Guro ng wika at panitikan si John Carlo S. Gloria sa Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Humanidades ng Pamantasang Ateneo de Manila kung saan niya rin tinapos ang kaniyang Masterado sa Panitikang Filipino. Kasalukuyan niyang binubuno ang kaniyang Doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, sa ilalim ng programa ng Panitikan ng Pilipinas. Mababasa ang kaniyang mga akdang tula at kuwento sa ilang antolohiya at dyornal sa loob ng bansa.
Renan Gozon
Si Renan Gozon ay mula sa Cabiao, Nueva Ecija. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Nueva Ecija University of Science and Technology. Naging fellow din siya ng Palihang LIRA 2023 at 21st Pamiyabe Writers' Workshop.
Jane Pauleen M. Lacson
Lisensyado at Propesyonal na Guro na may higit sa sampung taong karanasan sa pagtuturo sa edukasyon sa Wika at Panitikan para sa Senior high School, College, at Graduate Studies. Nakapag-lathala ng mga aklat-aralin para sa mga asignaturang Senior High School: Pagbasa, Pagsulat, at Oral na Komunikasyon. May Master's Degree sa Wika at Literatura, at kasalukuyang nag-aaral ng Ph.D. sa Pag-unlad ng Wika at Literasi.
Delvin H. Mundala Jr.
Kasalukuyang nagtuturo ng Filipino at Panitikan sa Mindanao State University - Iligan Institute of Technology. Nakatira sa Lungsod ng Iligan at dito humuhugot ng mga paksang isinusulat. Miyembro ng Bathalad Mindanao (Bathalan-ong Halad sa Dagang) 2016 at LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya) 2017. Naging Fellow sa 24th Iligan National Writers Workshop 2017 sa kasagsagan ng ng Martial Law sa Mindanao at giyera sa Marawi. Sumusulat din ng tula (Cebuano/Filipino), maikling kwento (Cebuano/Filipino), dagli (Cebuano/Filipino), at dula tungkol sa nangyayari sa Mindanao partikular sa Iligan. Nakapag-aral ng Doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2016 - 2019.
Diane P. Nobleza
Nagtapos ng PhD Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya sa Pamantasang De La Salle - Maynila. Kasalukuyan siyang Dalubguro III sa Marinduque National High School – Senior High School at nagtuturo ng Filipino sa baitang 11.
Jose Velando Ogatis-I
Si Jose Velando Ogatis-I ay nagtuturo sa Departamento ng Sining at Komunikasyon ng Kolehiyo ng Agham at Sining ng UP Manila. Nagtapos siya sa UP Diliman ng kursong MA Filipino: Malikhaing Pagsulat at BA English Studies: Creative Writing. Siya ang nagtatag ng grupong UP Manila Belle, isang grupong kultural na nagtatanghal sa loob at labas ng UP Manila.
Sara Mae San Juan-Robin
Si Sara Mae San Juan-Robin ay guro mula sa Tanggapan ng Larangan ng Filipino, Department of Language and Literature, Institute of Arts and Sciences ng Far Eastern University. Noong mga taong 2023 hanggang 2025, naranasan niyang magdalang-tao ng 15 buwan.
Roda Tajon
Katuwang na propesor sa Faculty of Information and Communication Studies, UP Open University si Roda Tajon. Kasalukuyan siyang mag-aaral sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman.
Angelique V. Talusik
Si Angelique V. Talusik ay isang guro ng wika at panitikan sa senior high school ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng MA in English Language Education sa De La Salle University. Itinuturig niyang libangan at paglaya ang pagsusulat ng mga tula, dagli, maikling kuwento, at sanaysay.