Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Andro Blancada
Si Andoy o mas kilala bilang si Sir Andro ay tubong Baao, Camarines Sur. Siya ay isang guro at nag-uumpisang magsulat sa Filipino. Kasalukuyang part-timer sa isang pribadong eskwelahan sa lungsod ng Iriga. Gabi-gabing nananaginip na maging manunulat kahit pa tamad magsulat.
Leonora F. De Jesus
Ang may-akda na si Leonora F. de Jesus, Ph.D. ay Associate Professor sa Bulacan State University- Kolehiyo ng Edukasyon. Nagtuturo ng mga asignaturang Filipino at Pananaliksik sa mga Programang BEEd, BSEd at sa antas-Gradwado ng nasabi ring Pamantasan.
Noel Galon de Leon
Taga-Guimaras si Noel Galon de Leon na founder at publisher ng Kasingkasing Press. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng Filipino at Malikhaing Pagsulat sa UP High School in Iloilo sa UP Visayas. Nakatanggap ng pagkilala ang kaniyang koleksyon ng tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2018.
John Gilford Doquila
Si Gilford ay tubong Mindanao at nagtapos ng kanyang kursong BA English (Creative Writing) mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasalakuyang nag-aaral siya ng kanyang masterado sa UP Diliman. Nagtuturo rin siya ng malikhaing pagsulat sa departamentong SHS. Ang kanyang mga dagling Hunahuna at Higala ay alay niya sa lahat ng mga aktibistang patuloy na lumalaban.
Andyleen C. Feje
Si Andyleen C. Feje, mas kilala bilang Andy, ay tubong Quezon, Nueva Ecija. Siya isang lesbyanang manunulat at anak ng magsasaka. Ilan sa kaniyang mga akda ay mababasa sa Young Blood column ng Philippine Daily Inquirer, Agos: UP Refereed Journal ng Malikhaing Panitikan (2020), NCCA’s Ubod Anthology (2020), at Tingle: Anthology of Pinay Lesbian Writing (2021).
Noel T. Fortun
Si Noel T. Fortun ay Associate Professor sa Department of Mathematics and Statistics, De La Salle University. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA).
Ardan P. Fusin
Si Ardan P. Fusin ay isang Guro sa Philippine Science High School-SOCSKSARGEN region Campus. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa Central Mindanao Nuniversity at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Master’s degree na Master of arts in Language Teaching major in Filipino sa University of Southern Mindanao. Siya rin ay kasalukuyang Regional Director ng SAGIP-Wika inc. sa Rehiyon 10.
John Carlo S. Gloria
Kasalukuyang guro ng panitikan, wika, at teorya si John Carlo S. Gloria sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila, Paaralan ng Humanidades. Nagtapos siya ng kanyang Masterado sa Panitikang Filipino sa nasabing institusyon at ng kanyang batsilyer sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Mababasa ang kanyang mga akdang tula at kuwento sa ilang antolohiya at dyornal sa loob ng bansa.
Baby Jean Jose
Isang assistant professor ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan ng Central Luzon State University kung saan ay 15 years na siyang nanunungkulan. Nakamit niya ang digring PhD sa Araling Filipino-Wika, Midya, Kultura sa De La Salle University -Manila bilang CHED Scholar. Interest niya sa pananaliksik ang Ilocano Diaspora at Kultura, lexikograpiya, midya at kasarian. Siya ay nakapaglathala na rin ng artikulong pampananaliksik, aklat at manwal sa komunikasyon at maikling kwento. Naging tagapanayam at paper presenter na sa iba’t ibang komperensya kung saan nakatanggap siya ng mga karangalan. Siya ay isang Ilokana na nais sumubok sa larang ng literatura.
Danim R. Majerano
Si Danim R. Majerano ay nakapagtapos ng mga digring BA at MA Aralin sa Sining sa Unibersidad ng Pilipinas at may MA Filipinology naman sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang PhD Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay kasalukuyang naglilingkod bilang Master Teacher II sa Senior High School sa Kapitolyo High School. Siya ang tumatayong Direktor ng Pananaliksik at Edukasyon ng Samahang Saliksik Pasig, Inc. Aktibo siya sa mga saliksik, kumperensiya at publikasyon sa lokal, nasyonal, at internasyonal.
Deidre R. Morales
Si Deidre R. Morales ay guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Tuon ng kaniyang pananaliksik ang buhay at mga akda ni Efren Abueg. Bukod sa gawaing pang-akademya, abala rin siya sa pagiging ina sa kaniyang mga pusa.
Jason F. Pozon
Si G. Jason F. Pozon ay kasalukuyang katuwang na propesor sa Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas sa UPLB. Siya ay nagtapos ng BSE Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipnas-Maynila noong 2014 at nakamit ang MA Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2021. Naging fellow siya ng IKa-5 Cordillera Creative Writing Workshop (2018), Ika-12 Palihang Rogelio Sicat (2019), at UST Nationa Creative Writing Workshop (2022) habang nakapaglathala na ng mga sanaysay sa Cultural Center of the Philippines, Sentro ng Wikang Filipino, at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.
Joyce Anne M. Tolentino
Tubong San Fernando, Pampanga, si Joyce Ann Macatuno Tolentino ay nagtapos ng kaniyang masteral sa Malikhaing Pagsulat sa Pamantasan ng De La Salle noong 2014. Bago naging guro sa kolehiyo noong 2015, naging manunulat siya sa isang TV network. Sa kasalukuyan, pinagsasabay niya ang pagsusulat ng kaniyang disertasyon upang matapos ang PhD in Literature sa De La Salle; ang pagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa pampamahalaang pamantasan sa Bacolor, Pampanga; at ang pagiging nanay sa dalawang supling.
Jennifer Vinluan
Si Jen ay naninirahan ngayon sa Norzagaray, Bulacan. Kasalukuyan siyang nagtatapos ng MA Araling Filipino sa DLSU. Hinahanap pa rin ang kahulugan ng buhay.