Magbahagi ng inyong natatanging akda, at ating pagsaluhan at ipagdiwang ang malikhaing pagsulat sa akademya!
Jomar Gonzales Adaya
Nagtuturo ng mga kurso sa wika, panitikan at kulturang popular sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. Kasalukuyang kumukuha ng programang PhD in Philippines Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Miyembro siya ng Concerned Artist of the Philippines - PUP Chapter.
Juanito N. Anot Jr.
Si Juanito N. Anot Jr ay nagtapos ng Master of Arts in Philippine Studies (Language, Culture, Media) sa De La Salle University - Manila at kasalukuyang tinatapos ang PhD in Philippine Studies (Language, Culture, Media) sa kaparehong pamantasan. Board Member ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagasalin at Tagapagtagayod ng Salin (PATAS). At nagsilbing Department Chair ng Department of Interdisciplinary Studies sa Far Eastern University-Manila mula 2017-2020.
Patriz Juliene C. Biliran
Si Patriz Biliran ay nagtapos ng BA Creative Writing sa UP Diliman at kasalukuyang kumukuha ng masterado sa programang MA in Education Major in Educational Technology sa parehong unibersidad. Siya ay isang high school teacher.
Loi Vincent C. Deriada
Si Loi Vincent C. Deriada ay fakulti ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika sa MSU-Iligan Institute of Technology. Kasalukuyang nagtuturo ng Kulturang Popular, Ekokritisismo at Pamahayagan. Bilang SILAHIS Student Publication Adviser, layunin din niyang mahasa ang kakayahan sa pagsulat upang maibahagi ito sa mga mag-aaral na may hangarin din sa malikhaing pagsulat. Isang advocate para sa usaping karapatang pantao gamit ang mga akdang pampanitikan.
Ryan Machado
Si Ryan Machado ay isang guro, filmmaker at mandudula. Nagkamit siya ng mga parangal para sa pagsusulat ng dula: Carlos Palanca para sa "Huling Haraya nina Ischia at Emeteria" (2022) at Dungug Kinaray-a para sa “Ang Nabilin Nga Aswang” (Ang Huling Aswang). Naitanghal na rin ang kanyang mga dula sa Cultural Center of the Philippines para sa Virgin Labfest, isang taunang festival ng mga dula na hindi pa naililimbag o naitatanghal: “Ang Mga Puyong” (2017), “Isang Gabing ang Buwan ay Hila-hila ng Gula-gulanit na Ulap (2019), at “Huling Haraya nina Ischia at Emeteria” (2022). Kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang unang full-length feature para sa Cinemalaya 2023, ang "Huling Palabas." Bukod sa pagtuturo ay nag-aaral din siya sa De La Salle University (MFA in Creative Writing).
Niño Manaog
Nagtapos si Niño Manaog ng Bachelor of Arts, major in Literature sa Ateneo de Naga noong 1996. Pagkatapos magarawan ng fellowship sa mga palihang Iyas, Iligan at Silliman, inilimbag niya ang Anáyo, isang kalipunan ng mga tulang Bikol noong 2012. Nagtuturo siya ng Humanities at Literature subjects sa Mariners’ Polytechnic Colleges sa Canaman, Camarines Sur sa kasalukuyan.
Anna Corina A. Natividad
Si Anna Corina A. Natividad ay isang guro sa Cavite. Miyembro siya ng Teachers, Inc., Asian Qualitative Research Association, at Cavite Young Writers Association (CYWA). Ang kanyang mga tula ay nailambag sa Longos ng CYWA, Let the Light In ng SingLit Station sa Singapore, at sa Servant Leader :Leni Robredo ng San Anselmo Press. Siya ay nagtapos ng kursong Komunikasyon sa University of Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng MA-ESL sa De La Salle University Dasmariñas.
Lady Aileen Orsal
Ang may-akda ay nagtapos ng kursong BA Mass Communication sa Cavite State University at MA Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya sa De La Salle University-Manila. Natapos niya ang mga akademikong kahingian para sa PhD Araling Filipino sa DLSU-Manila at kasalukuyang kumukuha ng MA Communication Studies sa Northern Illinois University sa Illinois, USA. Dati rin siyang Fulbright Foreign Language Teaching Assistant sa NIU noong 2018.
Will P. Ortiz
Si Will P. Ortiz ay nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, Diliman. Nakapaglathala ng mga aklat na Bugtong ng Buwan at Iba pang Kuwento (UP Press), Ang Pagbabalik ni Maria Makiling Unang Aklat (UP Press 2015), Si Maria Makiling at ang Alamat ng Animas Anya (UP Press, 2018), Ikalawang Aklat. Lalabas ang ikatlong serye ng nobela na may pamagat na Ang Lihim ng Lagusang Dalem ngayong 2022 (UP Press).
Jerome U. Penit
Si G. Jerome U. Penit ay isang bagitong guro sa Dasmarinas Integrated High School at Part-time Instructor sa Polytechnic University of the Philippines – Maragondon Branch. Tinatapos niya ang kaniyang tesis sa Pamantasang De La Salle – Dasmarinas para sa degring Master ng Sining sa Filipino. Nahilig siya sa pagsusulat dahil sa naniniwala siyang mas madaling isulat sa papel ang nararamdaman kaysa sambitin ito - mas handa kang harapin at pakinggan ng papel kaysa sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Kenneth E. Pequero
Si Kenneth E. Pequero ay nagtapos ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa DLSU-Manila para sa kaniyang Masterado na Araling Filipino. Siya ay nagtuturo ng Filipino 10 sa Paaralan ng Kasarinlan.
Glenn Irwin Reynon
Lumaki sa Obando, Bulacan. Siya ang kasalukuyang Tagapangulo ng Communication Program ng UST Angelicum College sa Quezon City, at propesor din sa Bulacan State University - Main Campus. Nagtapos ng AB Communication Arts sa Colegio de San Juan de Letran – Manila noong 2009, MA in Communication sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 2015, at PhD in Philippine Studies in Media, Culture, and Language sa De La Salle University – Manila (2020) kung ginawaran siya ng Outstanding Dissertation (OD) sa kaniyang pag-aaral na may pamagat na: Paglikas: Ang Ritwal ng Pagpapahiyang ng Day By Day Christian Ministries. Napagkalooban din siya ng creative grant para sa Maikling Kuwento mula sa Bienvenido N. Santos Creative Writing Center noong 2018. Aktibo rin siyang nagbibigay ng mga lektyur sa iba’t ibang seminar at training kaugnay ng mga paksang pampananaliksik, midya at malikhaing pagsulat.
Leo B. Ricafrente
Ako ay si G. Leo B. Ricafrente, isang guro ng/sa Filipino at Malikhaing Pagsulat mula sa Calabanga National Science High School, Calabanga, Camarines Sur.
Elyrah L. Salanga-Torralba
Si Elyrah L. Salanga-Torralba ay guro sa UP Diliman. Nagtapos siya ng PhD Philippine Studies sa UP Diliman. Mayroon siyang 2 anak.
Jame A. Valenia
Si Jame A. Valenia ay nagtuturo sa Matalam High School sa Probinsiya ng Cotabato. Natapos niya ang kaniyang pag-aaral sa parehong batsilyer at masterado sa Filipino sa University of Southern Mindanao. Aktibo siya sa pagsusulat ng mga kuwento bilang guro sa Filipino at pagsusulat ng dula bilang guro sa theater arts ng Special Program in the Arts. Ang kuwentong Si Kokak at Ang Uod ay ang kaniyang pangawalang akda na ipinasa sa Luntian: Online Journal.
Arnold M. Valledor
Si Arnold Matencio Valledor, Punongguro II, OIC, Public Schools District Supervisor ng Bagamanoc South District ng islang Catanduanes, ay nakapaglathala na ng iba’t ibang genre ng akda sa Liwayway Magazine. Napabilang na sa iba’t ibang antolohiya ang kaniyang mga akda gaya ng ANI, Lagda, Aksyon, Balintuna, Lakbay, Katastropiya, Kasing-kasing Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 Issue No. 4, Balligi, Katitikan 4, Luntian 4 at 6, Alaala ng mga Pakpak, Santelmo 1 at iba pa.
Ma. Anna E. Villanueva
Kasalukuyang Assistant Professor sa Pamantasang De La Salle, Maynila at nagtuturo ng Kultura, Midya, at Teknolohiya sa antas kolehiyo. Nagturo rin ng Filipino at Pananaliksik sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa antas senior high school. Kasalukuyang kumukuha ng digring Doktorado sa programang Araling Filipino (Philippines Studies) sa Pamantasang De La Salle, sa nabanggit na pamantasan din nakamit ang digring Masterado sa ilalim ng parehong programa.