226. Sila nama’y inahinan

ng pagkaing inilaan,

bilang isang pagdiriwang

sa tagumpay ni Don Juan.

 

227. Ang piging nang matapos na

Ermitanyo ay kumuha

ng lamang nasa botelya

lunas na kataka-taka!

 

228. Mga sugat ni Don Jua’y

magiliw na pinahiran

gumaling at nangabahaw

walang bakas bahagya man.

 

229. “Ngayon,” anang Ermitanyo,

“maghanda nang umuwi kayo,

Magkasundo kayong tatlo’t

Wala sanang may maglilo,”

 

230. ‘Don Juan ay kunin mona

ang marikit na hawla,

baka di datning buhay pa

ang inyong mahal na ama.”

 

231. Nang sila ay nagpaalam

ay lumuhod si Don Juan,

hinihiling na bendisyunan

ng Ermitanyong marangal.

 

232. Ermitanyo ay naakit

sa gayong banal na nais,

nagsa-ama sa pag-ibig

sa anak ay di nagkait. 


241. Kaya’t kanyang pinag-isip

kung saang dako papanig

doo’t dito’y naririnig

“Tayo ay magkakapatid!”

 

242. Nakahambing ni Don Diego

yaong si Bernardo Carpio

nagpipilit na matalo

ang nag-uumpugang bato.

 

243. Datapwa’t nga sa dahilang

ang tao’y may kahinaan,

ayaw man sa kasamaa’y,

nalihis sa kabutihan.

 

244. Kaya sa kauukilkil

ni Don Pedro’y sumagot din,

na kung ating lilimii’y

umiiwas sa sagutin.

 

245. “Iyang iyong panukala,

tila mandin anong sama,

alamin ang mawawala

kapatid nating dakila.”

 

246. Malabo man yaong sagot

si Don Pedro ay nalugod

pagkat para nang natalos

kataksila’y masusunod.

 

247. “Kung tunay nga,” kanyang saysay,

“na masama ang pumatay,

gawin nati’y pagtulungan

na umugin ang katawan.

 

256. Ano ang kasasapitan

ng isang pinagtulungan,

di ang humantong nga lamang

sa tiyak na kasawian.