1693. Para bang sa digmaan

Ay bayaning nanagumpay

Bayang kanyang tinangkakal

Sa paghanga’y nag diriwang.

 

1694. Sa pag-uwi ng dalawa’y

Mayroong dapat ipagtaka,

Layong yaong di mataya

Sa isang oras ay nakuha.

 

1695.Dinatnan ang kaharia’y

Nasa ibang mga kamay,

Ang kapatid at magulang

Ay wala na’t nagsipanaw.

 

1696. Gayon pa ma’y walang gulo’t

Mapayapa rin ang reyno,

Ang tauhan sa palasyo

Ay wala ring pagtatalo.

 

1697. Ang lahat na’y kumilala

Sa nagbalik na prinsesa,

Kung ang Hari’y yamao na

Sila naman ay may reyna.

 

1698. Pamununo, kung tunay mang

Mahigpit na kailangan,

Inuna ri’t minainam

Nagdurusa’y mabihisan.

 

1699. Yaong mga naengkanto

Sa parusa ng mga yumao,

Sa pagiging mga bato’y,

Binuhay na’t nagging tao.

 

1700. Sa natanong kalayaan

Kayrami ng nahirapan

Sa parusang magsigapang

Na tigre’t leon na sa parang.

 

1701. Pagkatapos ay gumawa

Ng pistang kahanga-hanga,

Pagluwalhati sa bathala’t

Parangal sa nagsilaya.

 

1702. Inilakip na rin naman

Ang dalanging karampatan

Sa yumaong mga mahal

Na kapatid at magulang.

 

1703. At naghandog ang Prinsessa

Ng piging na pangmadla na,

Sa hangad na makasama

Ng baya sa galak niya.

 

1704. Nang kasalo na ang lahat

Maginoo’t mga hamak

Saka siya nagpahayag

Ng yari nang mga antas.


1705. “Ngayo’y ating puputungan

Ng korona si Don Juang

Karugtong ng aking buhay

At Hari ng kaharian.”