1007.   Noon naman ay ginising na

ang haring kanilang ama,

nang dumungaw ay nakita

 ang prinsipeng naiiba.

 

1008.   Pagkakita kay Don Juan

ang haring Salermong mahal, 

tinatanong na ang pangalan

sadya’t lupang pinagmulan.

 

1009.   Buong galang na tumugon

 ang prinsipeng tinatanong,

 “bati ko po’y magandang hapon

 sa hari kong panginoon.”

 

1010.   bating ito’y sinuklian

ng haring makapangyarihan:

“salamat na walang hanggan

magandang hapon din naman.”

 

1011.   Sa naputol na salita

ng prinsipengnapahang,

idinugtong ay lalo ngang

sa hari ay talinhaga.

 

1012.   “O, monarkang sakdal buti

 ako po’y isang prinsipe

ng berbanyang nagkandili,

Kaharian ding malaki.”

 

1013.   “Ngalan ko po ay Don Juan busong anak ng magulang,

sa berbanya’y minamahal

 lungkot nila ang mawalay.”

 

1014.   “Bayan ninyo ay nasapit

sa atas po ng pag-ibig

 pusong lumagi sa hapis

 ang hanap ay isang langit.”

 

1015.   “sa panagimpa’y natalos

 naririto ang alingdog,

 talang walang paglubog

 ito’y anak mo pong irog.”

 

1016.   “kaya kung magiging dapat haring sakdal na ng taas,

ang ang berbanya ay ilangkap samkoronang iyonghawak.”

 

1017.   “kung gayon” anang monarka, “sa palasyo ay manhik ka

 at dito pag-usapan ta

 ang layon mong mahalaga.”

 

1018.   ipinakli ni Don Juan:

“iyan po’y di pasasaan,

ang hintay ko’y pag-utusan

ng aking makakayanan.”


1019.   hari sa gayon pahayag

ang utusan ay tinawag,

sa salitang mabayad

nayari ang ganyang atas:

 

1020.   “Ngayon din ay kumuha ka

 ng trigong kaaani pa,

ang sansalop ay sapat na’t

dito’y dalhin kapagdaka.”

 

1021.   Nang naroon naang trigo

sabing hari’y ganito:

“Don Juan, pakinggan mo

ang ngayo’y iuutos ko.”

 

1022.   “Trigong ito’y iyong dalhin

pag-ingatan mong magaling huwagmawalan,ni sambutil atpakinggan ang gagawin.”

 

1023.   “iyong bundok na mataas tibangin mo’tnang mapatag,

 diyan mo nga ikakalat

itong trigong aking hawak.”

 

1024.   “ngayon ito itatanim

 gabing ito’y patubuin,

 gabing ito’y pamungahi’t

 gabing ito’y aanhin.”

 

1025 “sagabi ring ito naman

ay gagawin mong tinapay,

sa hapag ko’ymagigisnang

pagkain ko sa agahan.”


1025.    triggong binigay nitong 

hari’y dinala nang walang ngimi

gayon pama’y nililimi,

ang hiwagang  di mawari.”

 

1027.  hangaang sa siya’y dumatal

Sa bantay-pinong bahay

Sa kanyang tinatahana’y

Iyon din ang gunamgunam.

 

1028. bagaman nga may habilin

Ang prinsesang kanyang giliw’

Kalooba’y hilahil din

Sa bigat nitong gagawin .

 

1029. Tamalay ng kanyang katawan

 ay napuna ng danatnan,

kaya’t lakas ng  katawan

 siya’y lihim na inuyam.

 

1030. Sa umpukan ay kasama

ang kalihim ng monarka,

 naroon don't nagtatawa

mga kasangguni niya.

 

1031. Pasaring ng kalahatan,

"Ano baga't naisipang

pumarito itong hunghang

hinanap ang kamatayan? "

 

1032. Noo'y mag-iikaanim

 unang oras ng pagdilim,

 latag na ang takipsilim

ang gabi ay dumarating.

 

1033. Kaharian ma'y tahimik

si Donya Maria'y ligalig,

 walang laman yaong isip

kundi ang prinsipeng ibig.