46. Nang sa haringmapakinggan
ang hatol nakagamutan
kapgagdaka’yinutusan
ang anak niyangpanganay
47. Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng Haring ama,
Iginayak kapagdaka
Kabayong sasakyan niya.
48. Yumao nang nasa hagap
kabundukan ay matahak
kahit siya mapahamak
makuha lamang ang lunas.
49. “Mahigit na tatlong buwang
binagtas ang kaparangan,
hirap ay di ano lamang
sa haba na ng nalakbay.”.
50. Isang landas ang nakita.
Mataas na pasalunga,
. Inakyat ng buong sigla.
Katawan may ay pata na.
51.“Sa masamang kapalaran
hindi sukat na asahan,
nang sumapit sa ibabaw
kabayo niya ay namatay.”
52.Di ano ang gagawin pa'y
wala nang masasakyan siya
dala-dalaha'y kinuha't
sa bundok ay naglakad na.
53. Sa masamang kapalaran
Ang Prinsipe’y nakatagal,
Narating ding mahinusay
Ang Tabor na kabundukan
54.May masamang punungkahoy
mga sanga'y mayamungmong,
sa nagtubong naroroo'y
bukod-tangi'y yaong dahon.
55.Magaganda’t kumikinang
Dyamante yaong kabagay,
Pag hinahagkan ng araw
Sa mata’y nasisilaw.
56.kanyang pagkabighani
sa sarili ay niyaring
doon na muna lumagi
nang pagod ay mapawi.
57.Habang siya'y naglilibang
biglang nasok sa isipang
baka yaon na ang bahay
ng Adarnang kanyang pakay.
58.Takipsilim nang sumapit
sa itaas ay namasid
daming ibong lumiligpit,
kawan-kawa't umaawit.
59. Bawat ibong dumaraa'y
walang hindi tinatanaw,
nais niya'y mahulaan
ang sa kahoy ay may bahay.
60.Ngunit laking pagtataka
ni Don Pedro sa napuna
ang kahoy na pagkaganda
sa mga ibo'y ulila.
61.Walang isa mang dumapo
pagtapat ay lumalayo,
ma'no bagang marahuyong
sa sanga muna'y maglaro
62.May maghagis man ng tingin
saglit lamang kung mag-aliw,
sa lipad ay nagtutulin,
parang ayaw na mapansin.
63. Latag na ang kadiliman,
Ang langit kung masaya man,
Ang lungkot sa kabundukan
Kay Don Pedro’y pumapatay.