912.Ngunit di kaginsa-ginsa
Sa pagpupulong nga nila,
Sa darating ang agilang
Namamangha sa Nakita.
913.nang bumaba ay pagbagsak
Sa pagod na dili hamak;
Ermitanyong nagpahayag
Na galit na nagpumiglas.
914.sinulit itong agila
Na kung bakit nahuli pa,
Gayong dapat na mauna,
Kung tinatawag na sila.
915.”parang di mo pa unawa
Itong tunog ng kampana,
Saan man garoong lupa,
Ay umuwi kayong bigla”
916.pakumbabang nagsalaysay
Ang Agila ng dahlia;
“Panginoon naming mahal,
Maglubag ang kalooban.”
917.”Di ko hangad na suwayin
Alin man sa iyong bilin,
Ngunit ako po`y nang galling
Sa napakalayong lakbayin,”
918.”nariniig ko ang kampana
Kaya nga po biglang-bilang
Nilinisan ko yaong lupang
Inabot ng aling nasa.”
919.”paglipad ko`y binilisan
Ngunit hapo ang katawan,
Kaya nang ako`y dumatal
Huli na sa kalahatan.”
920.”kung gayon” anang ERmitanya
“ngayon din ay sabihin mo
Lupang yaon ay kung ano`t
Baka siya nang hanap ko.”
921.”ermitanyong iniibigf”
Sagot ng ibong mabait,’
“isang lupaing marikit,
Ang Reyno de los Cristales,”
922.”kanginang umaga lamang
Doon ako nag-agahan,
Isang peras nainam
Ang lasa ay malinamnam,”
923.”Don Juan,narinig mo na
Ang balita ng Agila ,
Kaya ngayon humanda ka`t
Matutupad iyang Pita,”