1681. Hari’y agad nagpasyang

si Don Pedro’t si Leonora

pag-isahing kasabay na

ni Don Jua’t Donya Maria.

 

1682. Sa pasiyang inilagda,

si Don Maria’y natuwa,

si Leonora nama’y walang

naging tutol ni bahagya.

 

1683. Sukat ang naipahayag

sa Haring nagbigay-wakas

na, kung iyon ang marapat

yuko siya sa pagtupad.

 

1684. Hari nama’y buong giliw

wika sa mamanugangin:

“Manalig ka sa aki’y

anak kitang mamahalin.”

 

1685. Isabay na rin ditto

ang hangad ni Don Fernando

na ang korona at setro’y

isalin sa haring bago.

 

1686. Yari na sa kaloobang

bunsong anak ang Salinan

yamang siyang minamahal

at marapat pamanahan.