1542.Napuna ni Donya Mariang Ang palabras ma’y maganda,
Si Don Juan ay lalo pang
Wiling-wili kay Leonora.
1543.Kaya biiglang iniutos:
“Itinigil na ang pagtugtog
Hayo na negritong irog
Salitaan ang isunod.”
1544.Ang simula ng negrita
“Naputol kong pagbabadya
Ngayo’y durugtungan ko na,
Don Juan,making sana.”
1545.”Maikatlo ngang humabol
Ang Haring galit ay sukdol,
Makaitlo naman lalong
Sa hirap siya’y nabaon.”
1546.”Una nga’y nang maging tinik
Ang daang dati’y malinis
Pangalawa’y nang tumakip
Ang sabong bundok sa Tarik.”
1547.”Ang pangatlo’t siyang huli
Nang iaglag na ang kohe,
Daang pagkabuti-buti,
Naging dagat na Malaki.”
1548.”Dito’y walang nang nasapit
Ang Hari kundi tumangis,
Sa laki ng kanyang hapis
Sa Diyos napatangkilik.”
1549.”Noon niya isinumpa
Ang anak na minumutya
“Diyos ko”, ang kaniyang wika,
“kayo na po ang bahala.”
1550.”Kayo na ma’y nagpatuloy
Yamang wala na ang habol
Sumapit sa isang nayon,
Ng Berbanyang inyong layon.”
1551.”Nayong ito’y Ermopolis
Nayong pagkarikit-rikit,
Ikaw na rin ang may nais
Doon na muna lumigpit.’
1552.”Sa bahay ng isang pastol
Kayo nama’y pinatuloy
Ang Prinsesa ay umayon
Yamang ibig moa ng gayon.”
1553.”Nang kayo ay naroon na
Naisip mong tila baga
Ang mabuti’y mauna kang
Pakita sa iyong ama.”
1554.”Naisp mong kailangang
Ang Prinsesa’y parangalan,
Mahalay sa kahariang
Tanggaping gayon na lamang.”
1255.”Ang Prinsesa ay tumutol
Nang mabatid iyang layon,
Matwid niya’y ang maugong
Na dagat at may daluyong.”
1556.”Ang dugtong pang paliwanag
Bakit baga iyong hangad,
Kahariang mapanatag
Bibigyan pa ng bagabag?”
1557.”Sa mayroon at wala man
Na gagawin mong pangaral,
Wala tayong kabaguhan
Sukat bagang maasahan.”
1558.’Maaari naman tayong
Magtuloy nang paganito,
Ano pa’t nanaisin mong
Guluhin ang buong reyno?”
1559.”Iyang mga pagdiriwang
May panaho’t bagay-bagay,
Ito’y di na karangalan,
Gawin na munting dahilan.”
1560.’Ngunit ikaw’y di umayon
Ang balak mo’y itinuloy,
Sa matwid na ang gayon
Sa Prinsesa’y nauukol.”