319. Sa libis ng isang bundok

may matandang sa susulpot

Mahina’t uugod-ugod

sa prinsipe ay dumulog.

 

320. Paglapit ay hinawakan

tinitingnan ang kalagayan,

saka kanyang dahan-dahang

Inihiga nang mahusay.

 

321. Ang Ang salanta at nalamog

na katawan ay hinagod;

Sugat at lamang nalasog

Pinaglalagyan ng gamot.

 

322. Samantalang ginagawa

Ang magandang kawanggawa

kay Don Juan, ang Matanda

Ay masuyong nagsalita;

 

323. “O, Prinsipe, pagtiisan

Ang madla mong kahirapan,

Di na maglalaong araw

ang ginhawa ay kakamtan.”

 

324. Parang isang panaginip

ang nangyari sa mayskit,

noon din ay nakatindig

dating lakas ay nagbalik.

 

325. Ang sarili ay minalas,

baka ma’y wala ang suagt,

naayos ang butong linsad,

kisig niya’y walang bawas.

 

326. Di masukat ang paghanga

sa nakitang talinghaga’t

sa sarili ay nawikang;

“Tila Diyos ang matanda.”

 

327. Kung hindi man, at totoong

himala ng Diyos ito

napakita nga sa tao’t

Nang ang loob ay magbago.

 

328. Saka makailang saglit

sa matanda ay lumapit,

yumapos nang buong higpit

at ang wikang nananangis:

 

329. “Utang ko sa inyong habag

ang buhay kong di mautas,

ano kaya ang marapat

ganti ng abang palad?”