443.Itong bundok ng Armenya’y
Isang pook na maganda
Naliligid ng lahat
Tanawing kaaya-aya.
445.tumutubong punungkahoy
Matataba’t mayamungmong,
Mga bungang mapupupol
Pagkain ng nagugutom.
445.pagbubukang-liwayway na
Mga ibon ay may kanta,
Maghapunang masasaya’t
Dumapo sa mga sanga.
446.At kung hapon,sa damuhan
Lalo’t hindi umuulan
Mga maya, pugo’t kalaw
May pandanggo at kumintang.
447.Sa taas ng papawirin,
Mga limbas, uwak, lawi’y
Makikitang walang maliw
Sa pagitan ng paggiliw.
448.Sa batisan yaong tubig
Pakinggan mo’t umaawit
Suso’t batong magkakapit
May suyuang matatamis.
449.simoy namang malalanghap
May pabangong pagkasarap,
Langhapin mo’t may pagliyag
Ng sampaga at milegwas.
450.Munting bagay na makikita
Isang buhay at pagsinta,
Iyong kunin at wala kang
Maririnig na pagmura.
451.doo’y payapa ang buhay
Malayo ka sa ligamgam
Sa tuwina’y kaulayaw
Ang magandang kalikasan
452.matutulog ka sa gabi
Na langit ang nag-iiwi
Sa magdamag ay katabi
Ang simoy na may pagkasi.
453.magigising sa umaga,
Katawan mo ay masigla,
Ang araw na walang dusa.
454.Sa Armenya nga tumahan
Ang prinsipeng si don juan,
Upang doon pagssisihan
Ang nagawang pagkukulang.
455.Minarapat na nga niya
ang lumayo’t di pakita,
sa hangad na ang maysala’y
mailigtas sa parusa.
456.nagkita na’t nagkaharap
Ang hanap at humahanap,
Si Don Diego nang mangusap
Hiya’t takot ang nahayag.
457.Namagitan kapagdaka
Si Don pedro sa dalawa,
Si Don Diego ‘y nayaya nang
Magpanayam na mag-isa.
458.``ikaw sana’y huwag ganyan ,
Ang loob mo ay lakasan,
Ang takot at kahihiya’y
Ipaglihim kay Don juan.”
459.``May lunas na magagawa
Kung payag ka sa pithaya,
Sa akin ipagtiwala
Ang anumang iyong nasa.”
460.``Kung ibig mo ay huwag nang
Balikan ang ating ama,
Pabayaan ang berbanya’t
Ditto na tayo tumira.”
461.``Sumama na kay Don Juan
Tayong tatlo ay mag pinsan,
Tumuklas ng kapalaran
Sa iba nang kaharian.”