199. Dumating sa punongkahoy
na wala pa nga ang ibon’
kaya’t sandaling nagnuynoy
ng marapat gawinn doon.
200. Dapwa’t hindi natagalan
ang ganitong paghihintay,
at kanya nang natanawan
ang Adarna’y dumarata
201. Napuna pa nang dumapo
ang adarna’y tila hapo
kaya’t kanyang napaghulong
ibo’y galling sa malayo.
202. Pagkatapos ay naghusay
ng kanyang buong katawan,
ang pagkantay sinimulan,
tinig ay pinag-inam.
203. Ginamit na unang gayak
sa Prinsipe’y nakabihag ,
kung malasi’y sadyang perlas
nagniningning sa liwanag.
204. Nagbago kaniyang bihis
na lumalo pa ang dikit,
katugon nang inaawit
na malambing at matamis.
205. natukso nang matulog
si Don Juang nanunubok,
ang labaha’y dinukot
at ang palad ay binusbos.
206. Lamang gumumiti sa balat
panigaan na ng dayap,
sa hapdi’y halos maiyak
nag-ibayo pa ang antak.
207. Napawi ang pag-aantok
dahil sa tindi ng kirot;
si Don Juan ay lumuhod,
nagpasalamat sa Diyos.