216. Saka, anag Ermintanyo:
"Iyang banga ay kunin mo,
madali ka at sa iyo'y
merong iuutos ako."
217. "Punin mo ng tubig iya't
ang dalawang bato'y busan,
nang sa bato'y magsilitaw
ang dalawang iyong mahal."
218. Si Don juan ay sumalok
ng tubig na iniutos,
at sa batong nakapuntod
dahan-dahang ibinuhos.
219. Si don Pedro ay tumuindig
at niyakap ang kapatid,
sa pagkadaop ng dibdib
kapwa sila nananangis.
220. Isinunod si Don Diego
na, nang muling maging tao'y
di mawari itong mundo
kung ang dati o nabago.