934.Sa paligid nDDa sambuwan
Walang hinto sandali man,
Kasukat ng baong taglay
Ng tatlong daang duran.
935.Dalang baon ay ubos na
Nakarating naman sila sa banyo ni Donya Mariang
Tubig at kaaya aya.
936.Doon nang sila ay lumapag
Takipsilim na ang oras.
Ang agila’y buong liyag
Kay Don Jua’y nagpahayag.
937.``O,Prinsipeng minamahal
Ditto na kita iiwan
Mangubli sa halamana’t
Nang hindi ka mamalayan.’’
938.``Asahang sa ikaapat
Ng madaling-araw na oras,
Dito’y darating na tiyak
Ang prinsipeng iyong hanap.’’
939.``Sila’y tatlong magkakapatid
Sakdal naman ng dirikit.
Ang una’t nakahihigit
Si Donya Mariang mabait.’’
940.``Paririto’t maliligo
Ugali ng katutubo.
Upang hindi ka mabigo
Mag ingat sap ag tatago.’’
941.``Di mo baga napupuna
Sa paliguan nga nila
May silid na kani-kanya’t
Hindi sila nagsasama.’’
942.``Silang tatlo’y nakagayak
Kalapating binusilak,
Diyan sa puno ng peras
Ay darapong buong gilas.’’
943.``Sa iyo ako’y paalam
Ang loob mo’y tibayan,
Ang bilin ko sanay tandaan
Nang matiyak ang tagumapay.’’
944.Napag-isa ang prinsipe,
Nagulo ang dilidli,
Gayon pa ma’y pinagbuti
Ang ginawang pangungubli.
945.Loob niyang naguluhan
Pinilit na mapahusay,
Binuo sa gunamgunam
Sa magdamag ay maghintay
946.Ikaapat ay tinugtog
Hindi siya natutulog,
Mga matay nanunubok
Sa bahagyang may kaluskos.
947.Sa gitna ng pananabik
Nang sumisikdong dibdib,
Natanaw na yaong langit
Na laon ng panaginip.
948.Sa laki ng kagalakan
Di na siya napalagay,
Ang dawag na nakahalang
Hinahawi ng pananaw.
949.Napatunayang ang lahat
Na sa agilang pahayag,
Sa kay Donya Mariang dilag
Sino ang di mabibihag?