1097.Kaya nang kinabukasan’y

 ipinatawag si Don Juan

 masiglang humarap  naman sa

Haring  Salermong mahal.

 

1098.” May pangako kang matapat,”

anang Hari sa kaharap,

“na anuman yaring atas

susunduin mong walang liwag.

 

1099,”Tunay po ang iyong wika,”

anang Prinsipeng dakila,

“ang utos mo kung masira

buhay ko ang natataya.”

 

1100.”Kung gayo’y iyong pakinggan

 ang utos kong ibibigay,

utos na ito’y tandaan

tutupadin mong madalian.”

 

 

1101.”Ang ibig kong’y iyang bundok

deito’y iyong maiusod

isang Malaki kong lugod

na sa hangin ay mabusog.”

 

1102.”Itapat mo sa bintana

pagkatao’y tamang-tama,

hanging diya’y nagmumula

 sa palasyo’y maging sula.”

 

1103.”Pagdungaw ko sa umaga

ang bundok ay nariyan na

simoy na kaaya-aya

malanghap kong maligaya.”

 

1104.”Kaya hayo na, Don Juan,

ihanda ang kailangan

kung mabibigo ka riyan

kapalit ang iyong buhay

1105.”Nagpaalam ang Prinsipe

 na gulo ang dili-dili,

kung wala ang kanyang kasi

natapos na ang saril

 

1106. Ave Maria na nga noon

agaw dilim sa panahon

kung sa Diyos iuukol

pagtawag sa ating Poon.

 

1107. Ang Prinsipe kung hindi man

isang taong sadyang banal,

pagtawag sa Kalangita’y

hindi nakakalimutan

 

1108. Nang abutin ang Prinsesa’y

nasa ganyang lagay siya,

kaya di man ipagbadya

kabanala’y nakilala.

1109. Kaya ba ang unang bati

ng Prinsesang nakangiti,

“Pangamba sa ating Hari

Sa gawa mo”y napapawi.”

 

1110.” Ngayo’y ibig kong malaman

ang utos ng Haring mahal,

sa mabigat o magaan

matutupad nang mahusay.”

 

1111.”Ang nais ng iyong ama

yaong bundok ay makuha,

at bukas daw ng umaga

magisnang naririto na.”

 

1112.”Itapat sa durungawa’t

nang ang hangin ay makamtan

upang kung siya’y manungaw

init ay di maramdaman.”

1113.”Walang dapat ipanimdim

ang kay Donya Mariang turing,

“magaan ang kanyang hiling

magagawa ng magaling

 

1114. Ugali ng mga pusong

nauuhaw sa pagsuyo

kapag sila’y nakatagpo

anong hirap na mapugto