1286.Karaniwan ang balita
Sa hindi mo’y talinghaga
Na may lungkot at may tuwa.
1287.Kalungkuta’y makikita
Sa ginawa ng prinsesa,
Sa pagdalaw,bakit baga
Parang ngayo’y hinawa na?
1288.Dati-dati kung dumalaw
Ang prinsipe’y ayaw iwan,
Inaaliw kung may lumbay
At kay tamis na suyuan.
1289.Maghinampo’y di magawa
Ng prinsipeng namamangha,
Alam niya’t di kailang
Sa prinsesa siya’y mutya.
1290.Kaya ba naipalagay
Baka ang amang mahal
Mabigat ang karamdama’t
Dapat niyang alagaan.
1291.Katuwaan nama’y ire:
Ano kayang pangyayari’t
sa palasyo’y minabuting
Pumanhik na ang prisipe?
1292.Himala ng kapalaran
Sa isa ngang nag hihintay,
Diyata’t kapaita’y
Tatamis na’t lilinamnam?
1293.Mahirap nating matiyak
Ang ibabalita bukas,
Anuman ang nasa hagap
Ipaghintay ng liwanag.
1294.Ang umaga ay bumati
Kay Don Juang nagwawari,
Makailan pang sandal
Nagpasundo na ang hari.
1295.”Bati ko sa kamahalan,”
Ang pahayag ng utusan,
“sa palasyo’y hinihintay
Ng magandang kapalaran.”
1256.”Bili’t bilin po ng hari
Kayo sana’y magdumali,
Pagkat bago mananghali’y
Gagawin na ang pagpili.’
1297.”pagpili,[pagpilinmg ano?”
“aywanh ko po,maginoo,”
“binibiro Yata ako?”
“hindi po’t siyangg totoo.”
1298.Humayo na ang dalawa
Sa lakad ay patakbo pa
Ibong lumilipad tila
Ang nais ay sumapit na.
1299.Sa palasyo ay dinatnang
Daming taong naghihintay,
Naroon ang karamihan
Ng haring mga kawal.
1300.Ang kalihim kasangguni
Kamag-anak nitong Hari,
Naroroong nakalimpi’t
Kay Don Jua’y nakangiti.
1301.Takang-taka si Don Juan
San kanya nang namamasdan,
Hari ay may karamdamam
Ngunit mayb roong kasayahan.
1302.Hiwaga makapangyarihan,”
Uhang bati ni Don Juan,
“handog ko po ay paggalang,
Sa utos ay nakalaan.”
1303 “Haring makapangyarihan,”
Unang bati ni Don juan,
“handog ko po ay paggalang,
Sa utos ay nakalaan.
1304.Tugon ng Hari’y ganito:
“paumanhin ang hingi ko
Sa pagtanggap ko sa iyong
Pagtanggap di maginoo.”
1305.”Ako ngayon,o,Don Juan,
May bahagyang karamdaman,
Masasakit ang katawan
Ulo ko’y may kabigatan.”
1306.”Gayon pa ma’y ninais kong
Magkapulong ngayon tayo
Akong may utang sa iyo
Makaganti kahit pa no.
1307.”Kawalang utang na loob
Ng sarili kung malimot
Itong iyong paglilingkod
Na matapat nama’t lubos.”
1308.”kaya naman naririto’t
Nakahanda ang handog ko,
Buksan ngayon ang dibdib mo’t
Ang pagpili’y nasa iyo.”
1309.Hari’y agad nang nagtindig
Sa kanyang pagkakahilig,
Si Don Juan ay kinawit
Humarap sa tatlong silid.