1450. Pagsungaw sa kaharian

nitong makikipagsakal,

nakapunang Hari’t bayan

naghanga’y walang kapantay.

 

1451. Kaya anang Don Fernando:

“Emperatris sa banta ko,

patugtugin ang musiko’t

salubungin ang dadalo.”

 

1452. Nakita ng kalahatan

ang karosang gintong lantay

kasunod na mga abay

walang hindi kamahalan.


1455. Pinigil muna ang kasal

sa dadalo’y alang-alang

ugali ng kamahalang

panauhi’y parangalan.


1456. Sa palasyo ay lalo nang

nag-ibayo yaong sigla,

lumuklok si Donya Mariang

kasiping ng bunying Reyna.

 

1457. Dito na nga nagsalaysay

 ang pangunahing marangal:

“Naakit po yaring lagay

Na dumalo sa kasalan.”

 

1458. Ngunit sawimpalad yata’t

 nahuli na yaring nasa,

waring ako ang nilikhang

laging bigo sa pithaya.”


1459.” Malaki pa naming mithing

 sa ligaya’y makihati’t

sa ngalan ng Reyna’t hari

kakasalin ay mabati.”

 

1460. Samatanlang binibigkas

ang ganitong pangungusap,

ang sa puso ay may sugat

 kay Don Juan nakamalas.

 

1461. Datapwa’t ito’y walang imik

nakangiti’t walang titig,

noon niya napag-isip

na limot na ang pag-ibig.


1462. Wari’y hindi kakilala’t

anong labo niyong mata,

titigan ma’t dilatan pa’y

walang kibo’t bulag tila.