1180. Panibagong pag-iisip
ang sa Hari ay nagtalik,
tila mahirap magahis
ang subyang sa kanyang dibdib.
1181. Muling ipinasundo
ang prinsipeng manunuyo
matapos niyang mabuo
sa isip ang bagong hibo.
1182. Pagharap na ni Don Juan
ay ganito ang tinuran:
“kaylaki ng kapagala
ang sa iyo ‘y aking utang”
1183. “O, Don Juan, aywan ko nga ba
Kung mabayaran pa kita,
Bakit naging sakit ko nang
Sa iyo ay makapila.
1184. “Gaya ngayon nitong lagay
Pagkat marami nang utang
Ang hiya ko’y humahadlang
Magtapat ng kahilingan.”
1185.”Di ko naman maihanap
ng ibang makatutupad,
pagkat lubos kong talastas”
nasa iyo yaong lunas.”
1186.”Mahal na haring Salermo
Di miminsang nasabi ko
Itong abang pagkataong’y
Alipin ng utos ninyo.
1187.”Don Juan, maramig salamat
Sa puso mong mapagtapat,
Hininga ko ay lumuwag
Ang hiling ko ay matutupad.”
1188.”Yamang ako ay binigyan
Ng luwag sa kahilingan
Manainga, O Don Juan
Ngayon ay aking tuturan:
1189.”Di ba tayo ay naglakad
Sa kastilyong nasa dagat,
Noon nga ay napahamak
O, saying ang aking hiyas.”
1190.”Ang singsing kong minamahal
Kung bakit ko nalingatang
Sa daliri ay natanggal,
Nahulog sa karagatan.”
1191.”Kung maluwag sa oob mo
Ngayon sana ang ibig ko,
Kunin saan pa man dako’t
Saka na magusap tayo.”
1192.”Haring Salermong marangal,
Mamayapang kahilingan,
Kahit ko na ikamatay,
Kayo’y di ko masusuway.”
1193. “At hangad ko kung makuha’y
Magigisnan sa umaga,
Sa unan ko ‘y makikita
Iyon din at hindi ba.”
1194.”Pangako ko, Haring mahal,
Hindi ako magkukulang,
Ano yaring mahihintay
Kung kayo ay paglakuan?”
1195. Karaniwang ugaliin
Nitong Haring mapanghiling
Taong kanyang hihiliin
Ay nginitian nang palihim.
1196. Palihim nga pagkat ayaw
Mahalata ang paguyam,
Kausap ay nalilibang
Sa salitang maiinam.
1197. Ngiting ito’y ngiting taksil
Sa pangako’t sinungalng,
Sa mabuting sabihin
May masamang nalilihim.
1198. Alam ito ni Don Juan
Ngunit kanayng pinaparam,
Sa buhay ng manliligaw
Ang mapakla’y malinamnam.
1199.Naghiwalay ang dalawang
Hari’y may pabaong tawa,
Ang prinsipe’y masaya’t
Ang Hari ay nakilala.
1200.Tinugtog ang ikasiyam
Ng gabi kaliwanagan,
Ang magkasi’y nag-uulayaw
Sa hardin ng paliguan.
1201.Dito nga sila nagkita
Upang muling maalala
Yaong hapong pagkasayang
Saksi sa pagkilala.
1202 Hapong siyang idinatal
Mula sa berbanyang bayan
Ng Prinsipeng Don Juan
Agila ang kaalakbay.
1203.Hapong unang pagkamalas
Sa dilag ng mga dila,
Bulaklak na walang kupas
Na laon nang pinangarap.
1204.Hapong natigmak ng luha
Ng pusong napaawa,
Hapong sa awa’y sagana
Ng pusong tapat sa sumpa.
1205.”Don Juan, iyong sabihin
Ang utos ng hari natin,
Nang ngayo’y aking maligning
At ang gabi’y lumalalim.”
1206.”Ang singsing daw ng ama mo
Ay nawalang di naino,
Ngayong gabi’y hanapin ko’t
Kailangan n’yang totoo.”
1207.”May dyamante yaong singsing
Sa tubig ma’y nagniningning
Nahulog at napaglining
Na sa dagat napalibing.”
1208.’Bili’t biling pagkakuha
Magisnan sa una niya
At kung wala, sa umaga
Ang buhay ko’y mapapara.”
1209.”Ito’y pamumuhunanan,”
Anang prinsesang nalumbay,
“ng panganib at ng buhay
Bago tayo magtagumpay.”