1473. Mag-asawa itong ita
Kaya negrito’t negrita,
Sa uling ay maitim pa’t
Malalaki yaong mga mata.
1474. Humingi rin ng musiko
Isang banda’y anong gulo!
Wala naming mga tao.
at dula na ang ihayag
1475. Negrita ay may suplinang
Hawak na panghampas niya,
Kung kumilos ay tila ba
Amang ita sa negrito
1476. Sinimulan ang palabras
Ang musiko ay humudyat,
Ang negrita ay umindak
tinatanong, lumibad
1477. Tugtog ay walang lubay
Sayaw na walang patlang,
Sa palasyo’y anong ingay
sa laki ng katuwaan.
1478. Tuwa’t ganda ng palabas
Lalo pa manding tumingkad
Nang ihinto ang paglibad
at dula na ang ihayag.
1479. Nagharap ang mga ita,
Mayabang ang kilos nila
At sa madling nakamata
parang nagmamalaki pa.
1480. “Ako nga’y sagutin mo,”
Amang ita sa negrito,
“si Donya Maria ba’y sino’t
siya baga’y naririto?”
1481. “Aywan ko ba, aking poon,”
Sagot nitong tinatanong,
“ni hindi ko matuturol
kung saang bayan naroon.”
1482. “Ako’y walang kakilala
Ni isa man lang prinsesa,
Ni isa man bagang Donya
Na laman ng alaala.
1483. “Diyata ba, O, Don Juan.”
Ang ulit ng katunungan,
di ba ang prinsesang mahal
Lubos mo nang nalimutan?”
1484. “Ano’t iyong malilimot
Si Donya Maria mong irog,
Di ba sumpa mong mataos
Ang magtaksil ay matapos.
1485.”Di mo naaalalang
Siya’y lagi mong kasama
Sa aliw man at sa dusa
Kasalo mo sa tuwina.”
1486. “Gunitain mo, Don Juan,
Ang lahat ng kahirapan
Ni Donya Maria mong hirang
Nang dahil sa iyo lamang \
1487. “Buhay niya’y itinaya
sampug karangalan pa nga
kung hindi sa kanyang gawa,
Ang buhay mo ay nawala.”
1488. “Noong ikaw ay utusan
ng Hari niyang magulang,
di ba ang prinsesang mahal
ang sa hirap ay pumasan.
1489. “Nang sa iyo’y ipatibag
ang bundok na pagkataas
sino baga ang naghirap
Kundi ang Prinsesang liyag.
1490. “Sa magdamag na paggawa
ang trigo ay maipunla
tumutubo’t namungang pawa
At nagapas naming madla.
1491. “Nang gabi ring yaon naman
nagiling nang madalia’t
bago magmadaling-araw
Ay naluto ang tinapay.”
1492. “Kung limot mo nang talaga’t
Sa gunita ay wala na
Yaring hawak kong suplina
Ang magpapaalala.
1493. Ang negrito’y binigwasan
Nang matindi sa katawagan
Datapwa’t ang nasakta’y
Ang Prinsipeng si Don Juan.
1494. “Aruy ko!” yaong daing,
Sinong pumelo sa akin?”
Lumingap sa kanyang siping,
Walang sinumang kapiling.
1495. Si Donya Maria’y nagsaysay
“Ulitin ninyo ang sayaw,
Ang musiko’y magtugtuga’t
Nang makaaliw sa lumbay.”
1496. Ang negrito at negrita
Sayaw ay lalong sumigla
Kung umindak at tumawa
Nalulugod ang lahat na.
1497. Matapo ang isang ligid
“Ang musiko’y itahimik
Ata ang dula ang ipalit.
1498. Negrita rin ang nagbukas
ng salita sa kausap,
“Sasariwain kong lahat
Kung limot mo na sa hagap.”
1499. “Ikaw yaong inutusan
ni Don Salermong mahal,
hulihin sa karagatan
Ang negritong pnawalan.”
1500. “Labindalawa nagang lahat
ang negritong kanyang ingat,
ngayon, sino ang naghirap
Nang hiulihin na sa dagat.”
1501.”Hindi ba si Donya Maria
at ikaw ay kasama pa,
ang prasko aya hawak niya’t
ilaw naman yaong data?”
1502.”Don ya Maria rin naman
huwang kang mabiro sana,
sa iyo’y sinabi ko na
Kayrami ng tanong mo pa!”
1503. Ang negrito ay sumagot
“Wala akong natatalos
Ni nang tinibag na bundok
Ni ng dagat na inarok.”
1504. Sa gayo’y muling pinalo
Itong negritong palalo
Si Don Juang nakaupo
Sa sakit ay napatayo
1505. Pinatugtog ang musikong
Himig-himutok ng tao,
Nagsasayaw na panibago
Ang negrita at negrito.
1506. May kalahati ring oras
Ang malungkot na paglibad
Si Donya Maria’y nag-atas
Na’ng dula na ang marapat.
1508. “ Kung gayon nga ay makinig
bubuhayin ko sa isip
taong hindi naiidlip
Gisingin mo’y di mapilit!