1123. Pinaharap si Don Juan

 at ang sabing malumanay

 ‘’Hanga ko’y walang kapantay

sa hawak mong karunungan .’’

 

1124. ‘’Lugod ko’y hindi masukat

sa paglilingkod mong tapat,

 kaya nga’t mayroong oras

nagugulo yaring hagap.’’

 

1125. ‘’Sa ganda ng iyong loob

 ang utak ko’y sunud-sunod,

 ako nama’y ni gaputok

ay wala pangnaihandog.’’

 

1126. ‘’Danga’t mayro’n lamang ibang

 sa hilig ko ay may kaya,

angb hiliin pa nga kita’y

 iiwasan kong talaga.’’

 

1127. ‘’Anong bagsik man ng batas

naring aking katauhan,

 ang minsan kong mahilingan

 ay siya nang kaibigan.’’

 

1128. ‘’Isa ka sa napatangi

 sa maselan kong pagpili,

layuan ka nga’y  hindi,

 mahal ka sa aking hili.’’

 

1129. ‘’Kaya Prinsepang mahal,

paraya mo ay lakihan,

 darating din iyang araw

 na kita’y mababayaran.’’

 

1130. ‘’hiling ko sa iyo ngayon

bundok na ito’y itabon

 sa gitna niyang maugong

 na dagat na madaluyong.’’

 

1131. ‘’Doon ay magiging kastilyo

 sa umaga’y Makita ko,

 ang kanyang mga simboryo

anyo’y bilog ay pareho.’’

 

1132. ‘’Itong muog at tayuan

 ng gulod na pitong hanay

mga kanyon ang nariyan

panganggol ng kaharian.’’

 

1133. ‘’Iyan ay lalagyan mo pa

 mga anim  na batirya,

 may kawal sa bawat isa’t

 ayos makikipagbaka.’’

 

1134. ‘’Mga kanyon ay nagisnang

 putok at nag tunugan

 war’y baga’y may digmaa’t

 ginagahisang kaaway.’’

 

1135. ‘’Tibayan ang pagkayari

 yaong mahirap masisi,

 alamin momg nasa uri,

 ang tatag ng gawa’t yari.’’

 

1136. ‘’Gumawa ka ng lansangan

 na aking malalakaran

 mula sa palacio real

 hanggang sa moog na iyan.’’

 

1137. ‘’Ang lansangan ay matuwid

 kawili-wili sa masid,

 at sa magkabilang panig

 palamuti’y maririkit.’’

 

1138. ‘’Sagana sa kasangkapang

sa paggawa’y kailangan

bareta, piko, palataw,

 kutsara, maso’t kalaykay.’’

 

1139. Ang panayam nang matapos

 Hari ay lugod na lugod

at ang wika , ‘’Masusubok

 ang isipan mong matayog.’’

 

1140. Prinsipe’y nagbalik naman

sa kanyang tinutuluyan,

 gagamiti’y kanyang taglay

ang Prinsesang hinihintay.

 

1141. Sa gabi ang pagkikita

ng Prinsepe at Prinsesa

pagkay bawat gawin nila’y

lihim na lihimsa iba.

 

1142. Ikawalo ay dumating

 ang magkasi’y  magkapiling ,

puso nilang may hilahil

 sa lambingan maaaliw.

 

1143. Nabatid ni Donya Maria

 ang utos ng kanyang ama,

 mabiga ma’y napatawa

kahuluga’y kaya niya.

 

1144. Nakita ang kasangkapang

sa paggawa’y kagamitan,

 napangiting kahuluga’y

 lahat ay di kailangan.

 

1145. Bakit pa ng aba gagamit

 ng kahit pakong maliit,

 sa ang kalaruang kipkip

malilikha ay daigdig.

 

1146. Kaya ng aba malumanay

na sinabi kay Don Juan,

 ‘’Matulog ka nangtiwasay,

ako na ang kakatawan.’’

 

1147. ‘’Kahilinga’y mayayari’t

isang bagay na madali,

 alam mo nang naugali

ang ama ko sa paghingi.’’

 

1148. ‘’Bukas din ay magigisnang

yaring-yari’t walang kulang,

 itong buong kaharia’y

mamamangha pag natanghal.’’

 

1149. Dunong ni Donya Maria

pinakilos kapagdaka,

 bundok ay nasa dagat na

 isang muog na maganda.

 

1150. Umaga ang liwanag

 gaintong lantay na laganap,

 ang daigdig ay nagalak

buong baya’y walang hirap.

 

1151. ang Haring nagugulaylay

 sa silid niyang tulugan

 nagising sa dagundungan

na sa kanyong mga angal.