429. Bago mitak ang umaga

si Don Jua’y umalis na,

wika’y “Ito ang maganda

Natatago ang may sala.”

 

430. Nang magising yaong Hari,

araw’y masaya  ang ngiti,

pagbangon ay dali-daling

Ibon ang kinaurali.

 

431. Gaano ang panginginig,

mga mata’y nanlilisk,

nang sa hawla’y di namasid

Adarnang aliw ng dibdib.

 

432. Nagngangalit na tinawag

ang tatlong prinsipeng anak,

dadalawa ang humarap,

kapwa hindi nangapuyat.

 

433.Humarap at tinangkang

huwag siyang paglihiman,

sagot nila’y: Ama, ewan

ang bantay po’y si Don Juan.”

 

434.Ipinahanap ang bunso

ngunit saan masusundo?

matagal nang nakalayo

di sa hanagd na magtago.

435. Saka bakit hahanapin

sa kaharap yaong taksil?

itong anak na suwail,

magbulaan ay magaling!