30. Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman,
matulog Kang mahusay,
magigising nang may lumbay.
31. Ganito ang napagsapit
ng haring kaibig-ibig
nang siya ay managinip
isang gabing naiidlip.
32. Diumano’y si Don Juan
bunso niyang minamahal
ay nililo at pinaslang
ng dalawang tampalasan
33. Nang patay na'y inihulog
sa balong hindi matarok;
Hari sa kanyang pagtulog
nagising na nang may lunos.
34. Sa laki ng kalumbayan di
di na siya napahimlay,
nalimbag sa gunamgunam
ang buong napanaginipan.
35. Mula noo’y nahapis na
kumain man ay ano pa!
Luha at buntunghininga
ang aliw sa pag-iisa!
36. “Dahil dito’y nangayayat
naging parang buto’t balat,
naratay na’t nababakas
ang dating ng huling oras”.
37. Nagpatawag ng mediko
yaong marunong sa reyno
di nahulaan kung ano
ang sakit ni Don Fernando.