1334.”   Yaong pinakamagaling

Sa pagtakbo ay matulin,

Akin namang babalutin

Ang lahat ng babaunin”

 

1335.”Bilangin mo ang pinuan

Ikapito ay tandaan

Naroon ang kailangan

Sa pag-alis ay sasakyan.”

 

1336.”ngayon di`y aalis tayo`t

Sa Berbanya patutungu,

Magpaumat-umat ditto

Masama na sa haka ko”

 

1337.”yari na sa aking amang

Dalhin ka sa  inglatera,

Naroon ang aking tiya ;

Ditto ipakakasal ka.”

 

1338.”malamang kung matuloy,

Kundi kayo magkaayon;

O ikw ang itatapon

O patayin ka na roon.”

 

1339.nanaog na si don jusn

Upang kunin ang sasakyan

Ngunit hindi natandaan

Ang kabayong kailangan.

 

1340.Ang nakuha’y ikawalo

Sa halip na ika pito

Ang sisiha’y di gaano

Nang Makita ang kabayo.

 

1341.Sa magalit at matuwa

Ano pa ang magagawa?

Tanggapin na ang di tama

Bagaman di siyang nasa.

 

1342.tumakas na ang magkasi

Sigla’t tuwa ang balutin,

Sa takbong pinagbubuti

Mapagitna,mapatabi.

 

1343.Nakalis man nga silang

Kaharian ay tuloy pa,

Nang mapansin, kapagdaka

Ay humabol ang monarka.

 

1344.Habulan nang matikabo

Kaharian ay nagulo,

Hari’y di magkantatuto

Ng utos sa mga tao.

 

1345.Ang kabayong sinasakyan

Tulin ay walang kapantay,

Ang magkasi’y aabutan

Sa labas ng kaharian

 

1346.At noon na nagsalita

Ang prinsesa na namutla

``Don Juan,tignan mo nga,

Ang pamali mong nagawa!”

 

1347.``Tayo ngayo’y  aabutan

Ng haring may kagalitan,

Paanong naiiwasan

Ang parusang ipapatawa?”

 

1348.``Kungdangan ay nililimot mong

Kunin yaong ikapito

Pagmalasin kung tumakbo

Ang tulin at ipu-ipo!” simulan

 

1345. Ang kabayong sinasakyan

tulin ay walang kapantay,

ang magkasi’y aabutan

sa labas ng kaharian.

 

1346. At noon na nagsalita

ang Prinsesa na namatla

“Don Juan, tingnan mo nga,

ang pamali mong nagawa!

 

 

1347. “Tayo ngayo’y aabutan

ng Haring may kagalitan,

paanong maiiwasan

ang parusang ipapataw?”

 

1348. “Kundangan ay nilimot mong

kunin yaong ikapito,

pagmalasin kung tumakbo

ang tulin at upu-ipo!”

 

1349. A ng Hari ay malapit na’t

Madarakip na nga sila

Ang ginawa ng Prinsesa

Pinairal ang mahika.

 

1350. Naglaglag na ng karayom

at noon din ay nakulong

itong Hraing humahabol

ng tinik na buntun-bunton.

 

1351. Pawang bakal yaong tinik

matatalim at Matulis

ang daraan pag nagpilit

hangaan sa pagkaamis.

 

1352. Lumunsad na itong Hari’t

ang kabayo’y itinali,

dalawang araw na hinawi,

ang sa kanya ay sasawi.

 

1353. Sa tagal ng paghahawakan

ay dalawang leguas lamang

ang natakbo ng nagtanan

malapit di’t aabutan.

 

1354. Ang Haring galit na galit

Sa paghahabol ay nagpilit

nang pamuling mapalapit,

lalong dusa niya’t sakit.

 

1355. Inihulog ng Prinsesa

sa lupa ang sabon niya,

daang patag at maganda

sa Hari ay naging sangga.

 

1356. Daang kanyang daraanan

biglang-biglang natabunan

ng sabon sa kataasan

bundok na di matawaran.