618. Dumating yaong Serpyenteng

kay Leonora’y may kandili,

kakila-kilabot ang laki,

umuungal na mabuti.

 

619. Sa sindak nio Leonora

napasigaw kapagdaka:

“Don Juang kasi ko’t sinta

paano ang buhay nita?”

 

620, Ang Prinsipe’ydi umimik

pinagbuti yaong tindig,

ang Serpyente’y may sinisilip

sa gagawing di matuwid.

 

621. Sa hagdanan, itong ahas

pitong ulo’y nangagtaas,

mga mata’y nandidilat

tiyak na may hinahanap .


622. Pagalit na nagsalita:”
“Dito ay amoy amoy manusya,

Leonora, bakit kaya

may tao’y ikinaila

 

623. Dinaluhong ng Prinsipe 

ng espada ang Serpyente

kasabay ang pagsasabing:

“Ang buhay mo’y mapuputi!”

 

624. Sagot ng Serpyente’y ito:

“Iyan ang hinahanap ko ,

magsisi ka at totoong

makikitil ang buhay mo.”

 

 

 

625. Ang dalawa ay naglaban

nagtagpo ang kapwa tapang

subalit sa kaliksihan

namamayani si Don Juan.

 

626. Kaya’t hind inga malingkis,

ang Serpyente’y nadaraig,

tuwing sila’y maglalapit

ang espada’y parang lintik.

 

627. Mga sugat sa katawan

ahas ay walang patlang,

patuloy rin sa paglaba’t

parang walang kapansanan.

 

628. Lalong nakapagtataka

galling nitong dinadala,

ulong putlin ng espada

buhay ri’t nasusugpong pa.

 

629. Kaya’t mahirap mapatay

kahit sinong makalaban,

kung wala ring kalaruang

engkantong may kabagsikan.

 

630. Ibig-ibing nang masindak

ni Don Juang walang gulat

pagkat kung tingnan ang ahas

nag-iibayo ang dahas.

 

631. Aanhin man niyang malasin

ahas na ibig patayin,

may buhay na sapin-sapi’t

hindi yata makikitil.

 

632. Dito na siya tumawag

sa Diyos, Haring mataas,

sa kabaka niyang ahas

huwag nawang mapahamak.

633. Di man niya maigupo

huwag siyang masiphayo,

ni matigisan ng dugo’t

pagkatao’y maitayo.

 

634. Mataimtim palibhasa

ang pagtawag kay Bathala,

sindak niya ay nawala’t

katapangan ay lumubha.

 

635. Noon din ay naramdamang

nawala ang kanyang pagal,

para bagang bago lamang

sa ahas ay lumalaban.

 

636. Lalo niyang nakilalang

ang Diyos ay nasa kanya

nanh hapuin ang kabaka

hingi’y mamahinga muna.

 

637. Sa tagal ng tatlong oras

ng  kanilang paglalamas,

nakaramdam itong ahas

sa katawan ng pulikat.