257.Nang makitang gulapay na't
halos hindi humihinga,
hawla't ibon ay kinukuha't
ngasiuwi sa Berbanya.
258. Sa palasyo nang dumating
ang magkapatid na taksil
sa ama'y agad nagturing :
"Ang Adarna'y dala namin!"
259. Amang malubha ang lagay
nangiti sa napakinggan;
mga anak ay hinangka't
katawa'y gumaan-gaan.
260. Ngunit nang kanyang mapuna
si Don Jua'y di kasama
nag-usisa sa dalawa
Sagot nito'y ewan nila.
261. Naghimutok na ang hari
katuwaan ay napawi,
ibigin ma'y di mangiti't
tila ibig nang mamatay:
262. Ang kangina'y kagaanan
sa laon nang karamdaman,
ngayo'y isang kabigata't
tila ibig nang mamatay.
263. Bakit ang ibong Adarnang
sinasabing anong ganda,
ngayo'y ayaw nang kumanta,
nanlulugo't pumapangit pa?
264. At sa Haring pananabik
na ang ibon ay umawit,
hayok na sa di pag-idlip
pinapatay pa ng inip.
265. "Ito baga ang Adarna?"
naitanong sa dalawa,
"kung ito nga'y ano baga't
pagkapangit pala niya!"
266. "Sinasabi ng mediko
na ito raw ibong ito
ay may pitong balahibong
pawanglikha ng engkanto."