141.Ang matanda ay leproso
Sugatan na’t parang kumpo
Halos gumagapang sa damo’t
Kung domain…Diyos ko!
142.Pagkakita kay Don Juan’
Ang matanda’y nanambitan’
Sa malakaing kaawaan
Ay madaling nilapitan.
143.Anang matandang may dusa,
“maginoo maawa ka,
Kung may baon kayong dala
Ako po’y limusin na.”
144.Parang habag na ng diyos
Mag dalita sa may lunos,
Kung sa sakit ko’y matubos
Ako nama’y maglilikod.”
145.Sagot nitong si Don Juan;
“ako nga po ay may taglay,
Natirang isang tinapay
Na baon sa pag lalakbay.”
146.Sa lalagya’y dinukotna
Yaong tinapay na dala,
Iniabot nang maligaya
Sa matandang nag durusa.
147.Gaano ang katuwaan
Ng matanda kay Don Juan,
Ito’y halos niyang hagkan
Sa ganda ng kalooban.
148.Muli’t muling pasalamat
Ang masayang binibigkas,
At sa nais makabayad
Sa prinsipe’y nagpahayag:
149.”Huwag maging di paggalang
Ano po ang inyong pakay,
Ako po ay pagtapata’t
Baka kayo’y matulungan.
150.”Kung gayon po ay Salamat,
Hari na ngang maging dapat,
Ang ditto po’y aking hanap
Sa ama kong panlunas.”
151.”Ama ko po’y nakaratay
Sa malubhang karamdaman,
Ibong adarnanga lamang
ang mabisang kagamutan.”
152.”Bukod dito’y may isa pa,
Ngayon po’y tatlong taon na’
Ang kapatid kong dalaway
Nawawala’t di Makita.”
153.”Sa aba ko,o,Don Juan,”
Sa matandang katugunan,
“malaki pang kahirapan
Ang iyong pagdaraanan.”
154.”kaya,ngayon ang bilin ko
Ay itanim sa puso mo;
Mag-ingat kang totoo
At nang di ka maging bato.”
155.Sa pook na natatanaw
Ay may kahoy kang madaratnan,
Dikit ay di ano lamang
Kawili-wiling titignan.”
156.”Doo’y huwag kang titigil
At sa ganda’y mahuhumaling,
Sapagkat ang mararating
Ang buhay mo ay magmaliw,”
157.”Sa ibaba’y tumanaw ka’t
May bahay na makikita,
Ang naroong tao’y siyang
Mag tuturo sa adarna.”
158.”Itong limos mong tinapay
Dalhin mona,o,Don Juan,
Nang mabaon mo sa daa’t
Malayo’ng paroroonan.”
159.”Ang prinsipe’y di kumibo
Ngunit nasaktan ang puso,
Ang matanda’y hinuhulong
Baka siya’y binibiro.”
160.Pag kakuwan ay nagbadya
“Maginoo,balkit po ba
Iya’y isasauli mo pa
Gayong naibigay ko na?”
161.Ugali ko pagkabata
Na maglimos sa kawawa,
Ang naipagkawanggawa
Bawiin pa’y dimagawa.”
162.Pinipilit ding ibigay
Ang limos niyang tinapay,
Sa pag tanggi ni Don Juan
Ang matanda ay nilisan.
163.tinulinan ang paglakad,
Parang ibong lumilipad
Kaya’t ang malayong agwat
Narrating din niya agad.
164.Natambad sa kanyang mata ng ama sa bunsong mahal Ang aliw na ibinigay Sa prinsipeng namamanglaw.
165.Mga daho’y malalabay
Pati usbong,kumikinang
maging sanga’y gintong lantay
yamang dapat pagtakhan.
167.Marahil sa awa na rin
Ng inang mahal na birhen
Nagliwanag ang paningin
Pati diwang nangulimlim.
168.Saka pa lang nagunitin
Ang bilin niyong matanda,
Tumanaw na sa ibaba’t
Nakita ang isang dampa.