732.Nang abytan niyong Lobo
Katawan ay lunung-luno,
Lasog pati mga buto`t
Dogo`y nunukal sa ulo.
733.pinagyaman ang Prinsipe,
Sa higa ay pinagbuti,
Kumuha ng tatlong bote
At lumipad na maliksi.
734.tatlong bote ang nadala
Dalawaang nasa paa,
Kagat ng bibig ang isa`t
Ilog Jordan ang pinunta.
735.salamat at nalilibang
Ang sa ilog ay may bantay
Tatlong bote ay nalagayan
Ng tubig na kagubatan
736.bawal sumalok ng tubig
Kaya`t ang Lobo`y nang-umit,
Gayon man nga`y nalingid
Sa bantay na anong sungit.
737.Lobo`y agad nang hinabol
Ngunit pa`nong masusukol,
Pagkasalok ay tumalon
Sa bangin ng isang burol
738.mula rito ay palingid
Kay Don juan ay bumalik
At ang kanyang dalang tubig
Sa Prinsipe`y ipinahid
739.buong suyong pinahiran
Bawat pasa ng katawan
Gayon din ang mga pilay
Na malubha at hindi nman.
740.Prinsipe`y agad lumakas
Nabahaw ang mga sugat
Nakatindig At ang gilas
Ngayon ay lalong tumingkad
741.salaki ng katuwaan
Ang Lobo ay nilapitan
Miyakap at pingyamang
Parang batang minamahal
742.Lobo`y para namang batang
Kumandong nang buong tuwa,
Humilig pa nang bahagya
Sa bigsi ng may kalinga.
743.pinagmalas na mainam
Yaong mukha no Don juan,
Sa anyo`y ipinaalam
Ang malaking pagmamahal.
744.matapos ang pagmamalas
Tumindig na mabanayad
Si Don Juan ay hinarap
Na ang mata`y wlang kurap