Patok sa Tiktok

Isinulat ni Via Camposano


Maraming social media website ang naging sikat sa lahat noong pandemya, isa na rito ang tiktok. Dito tayo makakikita ng mga taong sumasayaw, kumakanta, at mga gumagawa ng iba't ibang content. Isa ito sa naging pampalipas oras ng lahat dahil nga hindi tayo puwedeng lumabas at makisalamuha sa ibang tao. 


Maraming nauto ang babaeng kulay rosas ang buhok at nagbabasa ng tarot cards o kilala bilang @theblessedbhie. Nadadala sila sa kaniyang salita na "Hey bestie! If you see this on your for you page this may be for you. Take what resonates, leave what doesn't, you may take nothing at all." Marinig lang nila ang kaniyang magic words ay napatitigil na sila ka-iiscroll sa kanilang tiktok at nagpapauto na parang bata. Ang iba sa kaniyang content ay tungkol sa taong hinahangan nila kaya marami ang umaasa kahit na alam nila na maaaring hindi totoo ang sinasabi ng tarot card na iyon.  


May mga nauso rin na sayaw magmula noon kaya ang iba ay nakakikitaan ng potensyal pagdating sa bagay na iyon at doon na sila nagsimula na maglabas ng content tungkol doon. Gaya ng sayaw na "Big boy" na sumikat at maraming nakisabay. Kahit na ang iba ay pinagtatawanan ito dahil sa kung paano ang nagiging facial expression ng sumasayaw nito.


Nauso rin noon ang 100 layers challenge kung saan naman ang isang bagay ay pagpapatung-patungin hanggang sa umabot sila sa 100 at sila'y magtagumpay gawin ito. May mga nagtuturo rin magluto kaya marami ang nalilibang at natututo pagdating sa pagluluto o paggawa ng cake habang sila'y nasa loob ng kanilang mga bahay na naging dahilan kung bakit ang iba ay nagkaroon ng maliit na negosyo.


Nang matapos ang pandemya ay sumikat naman ang "Double it and pass it to the next person" kung saan ay may iaalok ang content creator sa tao na makikita o makasasabay nila sa daan at tatanungin kung kukunin ba nila ang bagay na inalok nila o dodoblehin para ipasa sa ibang tao o ang taong susunod na aalukin ng content creator.


Mapapansin natin na kahit noong pandemya ay nakahanap pa rin ang ibang tao ng libangan nila para hindi sila mainip kahit sila'y nasa loob lamang ng kanilang bahay. Hindi naging hadlang ang pandemya para maramdaman ng iba na sila’y nag-iisa dahil maraming Marami pang pumatok sa tiktok noon at ang iba'y nagkaroon ng panibagong libangan at pagkakikitaan.