Win na WinS sa THS
Isinulat nina Gwyneth Bustos, Via Camposano, at Myiesha Ramos
Dumalo ang Mataas na Paaralan ng Tibagan (THS) sa isang seremonya ng pagpaparangal ng proyektong WASH o (Wash in Schools) sa pangunguna nina Gng. F. Samadan, Principal II at ni Gng. Janet Mercado, tagapanguna ng ng WINs sa THS noong ikalawa ng Disyembre 2022.Sinundan ito ng DepEd NCR Regional Validation of Schools with 3-stars on Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WinS) noong ika-23 ng Enero 2023.
Isa sa mga paraan sa pagsasakatuparan ng proyektong ito bukod sa walang humpay na pagsusulong ng regular at proper hand washing sa paaralan, nagbibigay din ang WINs THS ng gantimpala na tinatawag na chits at ginagamit pambili ng pagkain sa canteen. Binibigay nila ito sa mga mag-aaral na nakitaan ng pagpapahalaga sa kanilang sarili tulad ng paghuhugas ng kamay sa ano mang oras.
Alinsunod kay Gng. Mercado, ang proyektong ito ay hindi lamang nagaganap sa ating paaralan, kundi ito ay nagaganap worldwide. Adhikain ng proyektong ito ay masiguro ang pagiging ligtas ng lahat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalinisan sa sarili.
Mahalaga ito dahil mapakikinabangan ito at magiging makabuluhan, mas magkaroon ng kamalayan ang mga estudyante sa kanilang sarili at masanay upang madala nila ang gawaing ito hanggang sa kanilang paglisan sa paaralan o paglaki. “Importanteng makaugalian ang proyektong WinS dahil nilalabanan nito ang kumakalat na mga mikrobyo at virus, isa sa ating naging suliranin sa mundo.”, saad ni Gng. Mercado.