Tsuper Hero
Ni Myiesha Raine Ramos
Hari ng kalsada o mas kilala bilang Dyipni, isa sa sikat na transportasyon sa bansang Pilipinas. Sa lugar ng San Pedro, Laguna nakatira si Danilo Mikael o mas kilala bilang Mang Nilo na nagpapasahero ng dyipni. Isa ako sa mga single parent na ang hanapbuhay ay isang tsuper na tumataguyod sa dalawa kong anak na lalaki. Mayroon akong anak na nag-aaral sa kolehiyo na si Kai Mikael na graduating na at sa Jr. High School na si Karl Mikael na moving up to Sr. High School na rin, ako ang sumusuporta at nagpapalaki sa kanila.
Hindi sapat ang aking mga kinikita para sa pagsuporta sa pag-aaral ng aking anak na nasa kolehiyo, dahil dito nagtatrabaho siya bilang isang crew sa fast food chain habang nag-aaral. Hindi na nga sapat ang kinikita ko bilang isang tsuper nakisali pa ang isyung Jeepney Phaseout. Subalit, sa isyung ito isa ako sa maraming mga tsuper na hindi sumunod sa nasabing isyu dahil wala akong mapakakain sa aking mga anak sa pang araw-araw kaya'y ako'y patuloy pa rin sa pagpapasahero.
Hindi madali magtaguyod ng dalawang anak lalo na’t single parent ako at dyipni driver ang aking trabaho. Hindi talaga mawawala ang mga oras o panahon na tinatanong ko ang aking sarili kung “Bakit ganito ang aking buhay ngayon?”, “Minalas ba ako?”, “Gusto ko na lang mamatay”. Sa lahat ng mga balakid na humarang para subukin ang aking mga kakayahan, aking madadaig lahat ng mga ito.
Para sa ibang mga tao hindi hangad ang pagiging dyipni driver, subalit ito ay nakikita natin sa pang araw-araw natin at isa ito sa malaking naitutulong ng mga dyipni driver sa pamayanan, sapagkat ito ang ating pangunahing transportasyon dito sa bansa sila ang nagmamaneho para mapuntahan ang nais nating puntahan.
Kung pinagpala man ng swerte sana ngayon ay aking nabibigay ang mga gusto ng aking mga anak at nabibigyan sila ng masasarap na pagkain. Pero dahil ganito ang buhay ko, ako ay magsusumikap para makamit ko ang mga nais kong makamtan kasama ang aking mga anak dahil ako lamang ang nandito para sumuporta sa kalungkutan at masayang oras o panahon nila.
Lumipas na ang ilang taon, nasa kolehiyo na ang aking bunso at grumaduate na ang aking panganay. Sa kabila lahat ng kahirapan na sumalubong sa amin kami'y nakaraos at patuloy na tutungo sa positibong daan, dahil sa aking determinasyon mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak, patuloy akong susuporta sa kanila at magsusumikap para umasenso pa sa buhay.