Ang bigat na kaso, Ang lupit na kakosa

Ni Brian Andrei B. Lardizabal


Ano ang buhay sa loob ng bilibid? Ang bilibid ang daan tungo sa pagbabago ng isang tao. Inaasahan din na sa loob ng bilangguan maayos at pantay-pantay ang mga preso ngunit taliwas ito sa katotohanan. Ang buhay sa loob ng kulungan ay mahirap na kahit hindi ka pa nahahatulan ay para ka na ring nasintensyahan sa hirap ng buhay sa loob. Siksikan, may mga preso na malupit at may mga special treatment sa mga high profile inmates. Masakit at mahirap din na mamatay sa bilibid, maraming namamatay dahil sila ay nasa dapit-hapon na ng kanilang buhay at marami rin ang namamatay dahil sa kalupitan ng kapwa bilanggo. Anong nangyari? Anong nangyayari?


Maraming ang pinapatay na preso ng kapwa nila bilanggo upang hindi makapagsalita. Si Jun Villiamor na middleman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid ay namatay sa loob ng bilibid dahil siya ay nilagyan ng supot sa ulo at na-suffocate. Dahil insidenteng ito, marami pang natuklasan na maraming na palang bilanggo ang namatay sa bilibid. Sa loob ng isang buwan, 60 ang namatay sa loob ng bilibid. Ito’y patunay na walang lugar na tiyak na ligtas, na kahit sa loob ng bilangguan ay may umaambang kapahamakan.


Ang Pilipinas ay idineklara na pang pito sa listahan bilang "deadliest country" para sa mga mamamahayag ayon sa New York City-based media na Watchdog. Ang pagpaslang kay Lapid ay nagpapatunay na ang bansa ay talagang delikado para sa mga mamamahayag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamo ang hustisya sa pagkamatay ng mamamahayag at mas lalong lumabo ang pag-asang ito’y makamit sa pagkamatay din ng nakulong na middleman sa pagpaslang sa kanya dahil sa malupit na mundo sa likod ng rehas at mga kakosa nito.


Hindi madaling makulong. Malupit, malungkot at mahirap. Kaya’t mas piliing gumawa ng kabutihan at hindi ng kasamaan. Hindi na bago ang krimen sa pagpatay sa mga mamamahayag dahil marami na ang ganitong uri ng  kaso kaya’t sana’y mas protektahan pa ng pamahalaan ang mga mamamahayag na ang tanging layunin maghatid ng makatotohanang balita sa madla. Ang hindi naman maayos na pamamalakad sa loob ng kulungan ang dahilan kung bakit namatay si Villiamor, na sa bigat ng kanyang kaso, malupit na kakosa naman ang natapat sa kanya na mga  naging dahilan sa kanya naman kamatayan. Sa pangyayaring pagpaslang sa middleman at sa mga natuklasan pang ibang masamang kalakaran sa bilangguan, nararapat lamang na mas higpitan ang mga kulungan upang hindi na maulit muli ang mga pangyayaring ito at maayos na ang justice system ng ating bansa upang maging mas madali para sa mga Pilipino na matamo ang hustisya.