Kailan ba ang aksyon? Ang daming pumapatak, Masakit na sa Utak

Ni Ayesha Lian Berdul

Posible bang ibalik ang naunang iskedyul sa School Calendar ng Pilipinas? Nakapapasong usapin ang biglang pumatak at naging usap usapan sa bansa. Kung ang dating iskedyul ay ibabalik, dahil sa mala-oven ang init sa loob ng silid-aralan, kabilang sa apektado nito ay ang mga guro, magulang, mag-aaral at mga nagtatrabaho sa loob ng paaralan. Dahil sa matinding init ng panahon sa loob ng bansa, na bigyang diin na ibalik na sa dating iskedyul sa pasok ng mga mag-aaral, ano man ang antas na nasasakupan ng Department of Education o DepEd. Tagaktak na pawis ang laging lantad sa mga paningin ng mga tao sa mga apektado, panghapon man o umaga. Dapat iligtas ang mga apektado laban sa mga titig ng nakapapasong sikat ng araw.

Ang nararanasang init ang naging daan para masabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaralan niya na ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante. Sa bagong school calendar, Hulyo at Agosto ang bakasyon ng mga estudyante, ginawa iyon dahil panahon na daw ng tag-ulan at bagyo. Dahil sa init, maraming estudyante ang nagkakasakit, at hinihimatay, kagaya na lamang ng nangyari sa Occidental Mindoro noon, sampung estudyante ang hinimatay at nakaranas ng pagkahilo habang nasa klase. Posibleng mangyari ang panukalang ito kaya’t maghanda na rin sana ang mga mag-aaral.

Dahil sa mainit na mga reklamo at panahon ay naging kontrobersyal ang usapin na ito, kaya naman ay napagpasiyang pag-aralan ang pagbabago ng iskedyul sa bansa. Karamihan sa mga apektado ay suportado sa pagbabalik ng naunang iskedyul, dahil hindi madali makipagsabayan sa init ng panahon lalo na sa mga taong mahina ang resistensya o kalusugan. Tagos na sa payong ang init at halos wala ng hangin ang mga bintelador sa loob ng silid- aralan. Kani-kaniyang pawis ang tumutulo sa mga uniporme ng mga apektado, pawis na dahil sa stress na dulot ng init, at iba pa. Tagaktak at patak ng patak, masakit sa utak, kaya naman bakit hindi bigyan ng agarang aksyon ang pagbabalik na naunang iskedyul sa School Calendar?.