Sige slangs
Isinulat ni Via Anjeleen I. Camposano
Bawat taon na dumadaan andaming nagbabago sa mundo at minsan hindi ito napapansin ng nasa paligid mo. May mga bagong salita na araw-araw nating nagagamit at binabanggit. Makikita natin ang pagbabago sa paraan kung paano tayo makipag-usap sa ibang tao.
Maraming gumagamit ng balbal o slangs kapag nakikipag-usap sa ibang tao. Hindi man maintindihan ng iba ngunit para sa mga Gen Z ay mas madaling gamitin ang mga ito dahil ito na nga ang nagiging paraan ng komunikasyon nila. Minsan ay normal pa rin silang makipag-usap ngunit ang iba naman nasasanay na gamitin ang salita tulad ng "charot" o "keme lang bhie", "omsim", at marami pang iba . Meron ding Ingles na balbal na sumikat at naging biruan sa facebook gaya ng "frfr, istg" (for real for real, I swear to God) at "no cap" (no lie/for real)
Pinipilit man intindihin ng iba ay sadyang minsan ay nakalilito pa rin talaga ito. Hindi madaling intindihin ang mga salitang ito kung unang beses mo lamang itong maririnig pero nakalilibang din ang pinagbali-baliktad na salita para sa ibang tao. Nakalilito man sa iba ngunit sa mga kabataan ay talagang nakatutulong ito para sila'y magkaroon ng maayos na komunikasyon sa kanilang kaedaran.
May pagbabago mang nagaganap sa paraan na kung paano tayo makipag-usap sa mga kabataan ngayon ay makikita pa rin natin na kahit papaano naman ay nakasasabay ang iba sa kanila. Nagagamit din nila ito bilang sarcasm o pakikipagbiruan sa ibang tao sa social media. Ginagamit ng mga Gen Z ang balbal o slangs sa araw-araw na pakikipag-usap nila sa mga kabataang kagaya nila kahit na ito ay isang hindi pamantayang paggamit ng mga salita.