Isa sa ating daan, pinaslang nang walang pag-aalinlangan
Ni Hanna Mikka D. Raymaro
Ilang buwan na ang lumipas mula sa kaso ni Percival Carag Mabasa o mas kilalang Percy Lapid isang Radio Journalist/Broadcaster. Siya ay binaril sa ilalim ng Marcos Administration nang siya ay pauwi sa Las Piñas gamit ang 45 Caliber Firearm. Ang unang kinilalang suspek ay si Crisanto Villamor Jr. O mas kinikilalang Jun Villamor Palaña. Ngunit noong nakaraang taon, ika-18 ng Oktubre sa loob ng New Bilibid Prison, namatay si Villamor dahil sa Plastic Bag Suffocation. Araw ang lumipas mula sa pagkamatay nito, ang self-confessed gunman na si Joel Escorial ay sumuko sa mga awtoridad. Ayon sa pulisya, nakatanggap si Escorial ng 550,000 pesos upang patayin si Lapid. Subalit, sapat na ba ang halagang iyon para paslangin ang isa sa ating daan?
Ang mga mamamahayag ay isa sa ating daan upang makasagap ng balita at malaman ang katotohanan. Hindi makakamit ang inaasam na katotohanan kung patayan lang ang magaganap. Takot silang maisiwalat ang katotohanan tungkol sa kanila ngunit patuloy pa rin silang gumagawa ng masama. Hindi kinakalaban ng mga mamamahayag ang gobyerno, naghahayag lang sila ng balita tungkol dito dahil iyon ang trabaho nila. Ang pagkawala ng isang mamamahayag ay malaking kawalan sa nakararami. Anong ginawa ng mga mamamahayag upang makamit nila ito kung ang trabaho lang naman nila ay magsiwalat nang tapat at totoo?
Marami pang periodista ang namatay na hindi na balita, at marami pang mamamahayag ang hindi pa nakakamit ang tunay na hustisya. Ano nga ba ang makukuha nila kung nagawa nila ang gusto nila? Mababago ba nito ang pagtingin ng mga mamamayan sa kanila? O kapangyarihan lang lagi at pera? Mahalaga ang tungkulin ng mga mamamahayag lalo na sa ating bansa dahil sa bulok na sistema na mayroon tayo. Ang mga mamamahayag ay daan natin sa katotohanan ngunit bakit pinapaslang sila nang walang pag-aalinlangan?