SOCA: Kinabukasan ng Kabataan

ni Reign Nicole Garcia


Nailatag ang kalagayan ng mga kabataan sa Makati Coliseum noong ika-28 ng Nobyembre 2022 sa programang, State of the Children’s Address (SOCA) na pinangunahan ni Mayora Mar-len Abigail Binay at dinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ng Lungsod.


Kasama sa dumalo ang mga piling mag-aaral ng Tibagan High School mula sa ika-9 na baitang ng Diosdado Banatao at ilang kasapi ng Supreme Student Government. Ang tagapagdaloy naman ng programa, mula sa THS sa ika-10 baitang ng Andres Bonifacio na si Keziah Chloe Delapaz. Kasama rin nila ang Guidance Counselor ng ika-10 na baitang na si Bb. Dione Inocencio at guro na si G. Franco De Vera. 


May mga dumalo rin mula sa iba’t ibang paaralan ng Makati kagaya ng Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Gen. Pio Del Pilar High School, Fort Bonifacio High School, San Antonio High School, at iba pa.

Adhikain ng kaganapang ito na ipakita ang mga programa at proyekto na naisakatuparan ni Mayora Binay sa taong 2022.Dagdag pa rito, prayoridad ng Makati ay ang pagsulong sa kalusugan at pagpukaw ng interes ng mga kabataan sa edukasyon.


Habang umuusad ang programa ay may iba’t ibang aktibidad na maaari nilang piliin ayon sa kanilang natitipuhan. Nakihalubilo rin sila sa iba pang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Makati.


“Participating in this kind of event has improved the way I see the reality of our society. This helps me to have more ideas of how we can help the young Makatizens by starting with small programs that can enhance their potential. Being a young leader makes me realize that our city is blessed with many opportunities that they can give to their children.” ani ni Delapaz (President of Makati City Council for the Protection of Children).