Tibagan High School, nagpakitang gilas sa NCR Palaro

 Isinulat ni Angelo Nash S. Carandang 

Tibagan High School nakilahok sa Sepak Takraw NCR Palaro na ginanap noong Abril 24 hanggang 26, 2023 sa Mataas na Paaralan ng Marikina.

Ibinida nina John Dave Pacala, Dan Ravalo, John Rafael Pascual, at Nicholas Benedicto kanilang mga feeder, sina Juan Bitanga, Dominic Guan, Dexter Martin, at Owen Laynesa kanilang mga tekong, Aldrin Balmonte, Joven Bolinas, Jovann Cederio, at Laurence Cayabyab kanila namang mga spiker ng THS (Tibagan High School) at ipinakita ang husay ng kanilang koponan.

Dumalo rin ang mga iba't ibang paaralan mula Pasig, Las Pinas, Marikina, Valenzuela, Manila, Pasay, Mandaluyong at Quezon City.Simula pa lamang ng laro makikita na agad sa bawat manlalaro ang kanilang determinasyon at kanilang lakas ng loob subalit naungusan sila pagdating sa experience ng mga ibang koponan.

Nasungkit ng koponan ng Pasig ang kampeonato, pumangalawa naman ang Quezon City, Valenzuela naman ang nakakuha ng ikatlong puwesto, habang ang Marikina ay ikaapat, at Manila naman ang panglima.

Ayon kay Sir. Raymond Arceño na coach ng koponan ng THS "Para sakin panalo ang pinakitang performance ng THS team sa naganap na NCR palaro. Kahit sila ay mga baguhan sa larangan ng Takraw, pinakita nila na kakayanin nila ang makipag sabayad sa ibang paaralan."

Dagdag pa niya, "Ang masasabi ko lang sa kanila, ‘wag sana nilang kalimutan yung mga aral na napulot nila sa team at sana ipagpatuloy nila ang paglalaro ng Sepak Takraw."